^

PSN Opinyon

Mga sakit ng lalaki

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Headache – Ang karamihan ng sakit ng ulo ay dahil sa stress o iyung tinatawag na tension headache. Su­bukan ang acupressure massage. Dahan-dahan lang ang pagmamasahe. (1) Masahihin ang magkabilang sentido (sa harap at taas ng tainga). (2) Pisilin ang balat sa taas ng ilong at masahihin paitaas. Gawin ito nang maraming beses. (3) Masahihin ang noo sa ibabaw ng kilay mula sa gitna at papalabas. (4) Masahihin din ang mabilog na buto sa likod ng tainga. (5) Pisilin ang malaman na parte sa pagitan ng una at pangalawang daliri. Paalala lang: Huwag na huwag ipapamasahe ang iyong batok, sa likod ng leeg at sa harap ng leeg. Marami na ang naparalisa (paralyze) dahil diyan. Mag-ingat.

2. Insomnia – Uminom ng mainit na chamomile tea with honey sa gabi. Langhapin ang usok nito. Ang chamomile ay nagpapa-relax ng katawan. Kumain din ng isang saging sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nagtatanggal ng stress. Nabibili ang chamomile tea sa mga supermarket.

3. Diabetes – Ang solusyon sa diabetes ay ang pagmo-monitor ng iyong blood sugar. Matutong gumamit ng blood sugar test. Nagkakahalaga ito ng mga P3,000. Kapag nagpapa-check ng blood sugar, tusukin ang pinakamaliit na daliri, sa may tagiliran nito. Mas kaunti ang nerve fibers dito at hindi gaano masakit. Ang normal na fasting blood sugar ay 100 mg/dl o 5.5 mmol/L o mas mababa pa. Umiwas lang sa dalawang bagay: Matataba at matatamis. Iyan lang ang bawal sa may diabetes.

4. Cancer – May mga pagkain na panlaban sa kanser. Para umiwas sa prostate cancer, kumain ng 10 kut­sarang spaghetti sauce bawat linggo. Para umiwas sa lung cancer­, kumain nang maraming kamote. Kapag ang isang tao ay wala pang kanser, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Ngunit kapag may kanser na, ito naman ang mga pagkain na p­u­we­ deng makapigil sa paglaki ng kanser: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa, at talong. Damihan ang pagkain ng anti-cancer foods at bawasan ang mga karne at taba. Good luck po.

DAHAN

DAMIHAN

GAWIN

HUWAG

IYAN

KAPAG

KUMAIN

MASAHIHIN

PISILIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with