^

PSN Opinyon

Mga kriminal, ‘di ligtas sa PRO3 kahit may ASEAN Summit!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang ambag ng PRO3 sa seguridad ng 49thASEAN Summit subalit hindi nagpabaya ang pulisya sa Central Luzon sa pagtugis sa mga kriminal.

Sa katunayan, habang libu-libong pulis ang naka-deploy para sa seguridad ng ASEAN Summit noong Nobyembre 15 hanggang 18, patuloy ang operasyon ng PRO3 laban sa kriminalidad.

Maliban sa contingent na ipinadala sa Metro Manila, ikinalat din ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez, ang kapulisan sa boundary ng Central Luzon at NCRPO upang walang makaalpas na rallyista galing sa North at nagtagumpay naman sila.

Ayon kay Mendez, hindi maaaring mapabayaan ang seguridad ng mga mamamayan dahil lamang sa isang malaking pagtitipon. Mismooooo!

“Habang nakatalaga ang ilan sa ating mga pulis sa ASEAN Summit, tuloy ang regular na operasyon sa buong Central Luzon,” ayon kay Mendez.

Hindi huminto ang pagpapatrolya, pagtugis sa mga wanted person at pagbabantay sa ating mga komunidad. Anuman ang ating ibang tungkulin, nananatiling panguna­hing responsibilidad ang kaligtasan ng mamamayan,” ang pahayag pa ni Mendez.

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi lang ‘yan! Sa loob ng tatlong araw na kainitan ng summit, sunud-sunod na bumaba ang bilang ng 8-focus crimes sa rehiyon. Mula sa limang insidente noong Nobyembre 15, naging apat ito kinabukasan at tatlo na lamang noong Nobyembre 17. Hindi rin huminto ang pagtugis sa mga wanted person.

Sa datos ng PRO3, umabot sa 860 wanted persons ang naaresto mula Nobyembre 1 hanggang 17, patunay na tuloy ang operasyon ng kapulisan kahit may malaking responsibilidad sa seguridad ng isang pandaigdigang pagtitipon.

Malaking bahagi ng matagumpay na anti-criminality campaign ni Mendez ang JBM Patrol System, na nakatuon sa pagpapalakas ng presensya ng mga pulis sa mga lansangan at komunidad upang maiwasan ang krimen bago pa ito mangyari.

Siyempre, katuwang din ng kapulisan ang 2,384 miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na tumutulong sa pagpapatrolya, pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa kani-kanilang barangay. Get’s n’yo mga kosa?

Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!   

Malinaw ang ipinakita ng PRO3: kayang bantayan ang isang malaking international event nang hindi iniiwan ang regular na tungkulin sa mamamayan.

Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with