^

PSN Opinyon

EDITORYAL — ‘Biggest trade deal’

Pilipino Star Ngayon

TINAWAG ni US President Donald Trump na “biggest trade deal” ang umano’y bagong kasunduan ng United States at Pilipinas matapos ang bilateral meeting nila ni President Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Summit noong nakaraang linggo.

Maituturing ito na malaking pahayag. Pero hanggang ngayon, mas marami pa ring tanong kaysa malinaw na detalye.

May understanding sa ilang larangan ng economic cooperation na kailangan pang gawing konkretong initiatives.

Nang tanungin naman kung may aktuwal na dokumentong nilagdaan, sinabi ni ­Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na wala. Kaya hindi pa panahon para magpalakpakan.

May inilabas nang White House fact sheet tungkol sa mahigit $17 bilyong commercial deals at strategic investments, kabilang ang $12-bilyong aircraft deal ng Philippine Airlines sa Boeing at GE Aerospace.

Binibigyang-diin din nito kung ilang American jobs ang susuportahan ng mga kasunduan.

Walang masama kung makinabang ang United States. Trade deal nga ito at natural na ang parehong panig ay may interes.

Pero dapat kasing linaw din kung ano ang direktang pakinabang sa Pilipinas.

Halimbawa, nananatiling mahalagang tanong kung mababawasan ang 12.5-percent tariff na ipinapataw sa ilang Philippine exports sa US.

Wala pang malinaw na indikasyon sa mga inilabas na detalye kung magkakaroon ng relief ukol dito.

May potensiyal namang benepisyo sa defense financing, satellite connectivity, civil nuclear cooperation, energy at infrastructure.

Pero ang pagbili ng American equipment o produkto ay hindi awtomatikong nanga­ngahulugan ng mas maraming trabaho para sa Pilipino, technology transfer o paglakas ng local industries.

Kaya bago tawaging “makasaysayan” ang kasunduan, kailangan munang ilabas ang buong terms: tariffs, market access, financing obligations, investments at mga commitment ng bawat panig.

Sa trade deal, hindi sapat ang malaking anunsiyo. Ang tunay na sukatan ay kung mas maraming produktong Pilipino ang makakapasok sa merkado, mas maraming trabaho ang malilikha nito para sa mga Pilipino, at patas ba ang pakinabang ng dalawang bansa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with