^

PSN Opinyon

Anong nangyayari kapag 'in-love'?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAAALALA mo pa ba ang iyong first love? Naalala mo ba ang iyong naramdaman? Ang malakas na pagtibok ng puso at pagpapawis ng kamay. Ito ang mga senyales ng pagiging in-love.

Ayon sa mga eksperto, ang pagiging in-love ay dulot ng isang kemikal sa ating utak, ang Dopamine. Tuma­taas ang lebel ng dopamine ng mga taong in-love. Naka­ka-addict ang dopamine at marami ang nagnanais na huwag na itong mawala sa kanilang katawan.

Ngunit hindi habambuhay ang pagtaas ng do­pamine. Ayon sa pagsusuri, bababa rin ang lebel ng dopamine pag­kalipas ng 3 taon. Dito na tayo makararamdam ng pagiging matamlay sa ating love life. Parang tina­tamad at nagsasawa ka na sa iyong girlfriend o asawa. Wala pong kasalanan ang iyong partner kaya huwag siyang si­sisihin. Talaga lang bumababa ang dopamine sa katawan.

Para mapanatiling mataas ang dopamine, subukan ang mga ito:

1. Magbago ng iyong hitsura. Baguhin ang iyong hair style, pananamit o make-up.

2. Sorpresahin mo siya sa isang date. Pumunta kayo sa iba’t ibang lugar.

3. Mag-second honeymoon. Ibalik ang saya, tulad ng inyong unang pagkikita.

May iba pang mga bagay na nagpapataas ng dopa­mine sa katawan. Ito ay ang paninigarilyo, paghahanap ng thrill, pagsusugal, pagiging sikat, pagtulog at pagkain ng matatamis. Ang iba dito ay masama tulad ng pani­nigarilyo, pagsusugal at pagsali sa mga delikadong sports. Ang pagkain din ng matamis ay puwedeng maka­taba, kaya iwasan o bawasan ito.

Paano mahahanap ang “true love”?

Kahit mababa na ang dopamine mo sa iyong ka­tawan, mayroon pang pag-asang mahanap ang true love. Ito ay sa pama­ma­gitan ng isa pang ke­mikal na kung tawagin ay Endorphins.

Ang endorphins ay nag­bibigay ng pakiramdam ng pagmamahal, pagiging “close” at pagka-relax kapag kasama ang iyong kabiyak. Marahil ang endorphins na nga ang sagot sa pagha­hanap natin ng tunay na pag-ibig.

Kapag tayo’y nagkaka-edad, dapat ay lumipat na tayo sa “excitement at thrill” na dulot ng dopamine at tu­mu­ngo na sa matagalang pag­ma­mahal na galing sa endor­phins.

Tumataas ang endorphins sa katawan sa pamamagitan ng pag-uusap, pag-unawa at pagtawa. Kausapin ang ating mahal sa buhay. Magkaisa sa inyong mga pangarap sa buhay. Araw-araw, sabihin mong mahal mo siya at ga­gawin mo ang lahat para sa kanya. Sa ganitong paraan, gaganda at sasaya ang iyong love life.

ARAW

AYON

BAGUHIN

DITO

DOPAMINE

IYONG

LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with