^

PSN Opinyon

The Last Gentleman

- Roy Señeres -

HABANG nag-uunahan ang mga mababait na tao sa pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa Metro Manila at sa Northern Luzon, wala naman akong nabasa o narinig kung may ginawang tulong si First Gentleman Mike Arroyo o wala. Kung may ginawa man siya narinig ko man o hindi, mukhang huli na ang kanyang pagkilos kaya maaari ko siyang tawagin na “Last Gentleman”.

Batay sa mga naririnig ko na madalas madawit ang kanyang pangalan sa mga scam at anomalya, mukhang mabilis lang siya sa pangangalap ng pera at hindi sa paghanap ng paraan upang makatulong sa mga kawawa at mahihirap na biktima. Sayang naman, dahil kung ginamit lang sana niya ang kanyang influence, mas marami pa ang natulungan.  

Si Mrs. Gloria Arroyo naman, abala sa pagpapakita sa mga tao na busy din siya sa pagtulong, marahil upang mawala sa katotohanan ng isyu na lubhang napakalaki ang kakulangan ang paghahanda ng kanyang gobyerno sa pagdating ng sakuna. Malinaw na kung hindi sana abala sa pangungurakot ang mga corrupt na tao, nabigyan sana ng pansin ang kahandaan.

Halos tapos na ang relief operations, at ang tungkulin naman ng gobyerno ngayon ay rehabilitation. Sa ngayon pa lang napansin na natin na busy na sa pagkampanya si Mrs. Arroyo dahil tatakbo diumano siya sa Pampanga. Ano kaya ang kanyang ga­gawin upang ilagay sa tama ang trabaho niya sa rehabili­tation­?

Marami ang nagsasabi na matindi man daw ang tama ng mga bagyong Ondoy at Pe­peng, mas matindi raw ang pinsala na dinala ng bagyong Gloria at Mike. Kung sana sila ay naging halimbawa sa pag­talikod sa corruption, marahil sumunod din ang mga local officials sa kanila, at sa halip na pangungurakot ang pinagka­abalahan nila, nabigyan sana nila ng pansin ang kapakanan ng mga mamamayan.

ANO

BATAY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LAST GENTLEMAN

MALINAW

METRO MANILA

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA ARROYO

NORTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with