^

PSN Opinyon

Makakatrabaho sa sa abroad, kilatisin!

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Isa rin sa sinasabing susi sa matagumpay na pagtatrabaho sa ibang bansa ang kahandaang makibagay at kaalaman sa mga sistema, kaugalian, paniniwala, patakaran o kultura sa loob ng mga papasuking kumpanya, establisyamento, ahensiya, organisasyon at iba pa sa iba-
yong-dagat. Lalo na sa mga taong makakasama sa  mga trabaho rito.

Karaniwan sa karanasan ng maraming overseas Filipino worker na marami silang mga nakakasama sa trabaho na iba’t ibang lahi. Hindi lang mga mamamayan ng dinayo nilang bansa kundi mga tulad din nilang dayuhan na may sariling kultura, tradisyon, relihiyon, sistema ng pamumuhay at iba pa. Malakas ang tuksong pumalpak sa trabaho at baka ka pa matanggal dito kung hindi mo matutunang humarap at makibagay sa makakasalamuhang mga tao na magkakaiba ang lahi, kultura, wika, ugali, paniniwala, at pamumuhay.

Inihalimbawa nga ng Expatica na, sa mga bansang tulad ng Australia, China at Germany, kabastusan na paghihintayin mo ang mga tao sa isang meeting. Sa France, Spain, Russia at Uni-ted Arab Emirates, hindi itinuturing na kabutihang asal ang laging nasa oras. Huwag magulat kapag pinaghihintay ka bago o habang isinasagawa ang meeting. Ipinapayo sa mga pagkakataong ito na maging mapagpasensiya. Makipag-usap lang at magkaroon ng magandang pakikipag-ugnayan sa mga kasamahan sa trabaho. Baka hindi pumasok ang kasama mong Chinese dahil Chinese New Year.  Kung may katrabaho kang Muslim, asahan nang maaapektuhan ang trabaho niya kapag Ramadan dahil malamang mag-ayuno siya kahit oras ng trabaho. Magpasensiya at unawain ang sino mang may sinusunod na tradisyon.

Obserbahan ang mga sistema sa regalo. May mga bansang ang mga tao ay nagbibigay ng regalo para ipagdiwang ang nabuong negosya-
syon, kontrata o proyekto. Sa iba, itinuturing itong suhol kaya baka mademanda ka. Sa Australia at maraming bansa sa Africa, hindi kaugalian ang regalo. Pero tradisyon ito sa Indonesia at Japan. Sa Asia o Middle East, gamitin ang kanan o parehong kamay sa pagtanggap ng regalo. Sa Singapore, maaaring  tatlong beses na tatanggi bago tanggapin ng isang tao ang regalo. Sa Chile, tinatanggap at binubuksan agad ang regalo. Ikonsidera rin na ang alak o ilang produktong karne ay bawal na regalo sa mga Jewish o sa mga nagmula sa bansang Muslim.

Karaniwan na ginagawa ang mga meeting sa pananghalian o hapunan sa ilang bansa. Ginagawa ito halimbawa sa mga bansang Arabo maliban na lang kung Ramadan. Kabastusan ang talakayin ang trabaho sa oras ng kainan sa New Zealand.

Bukas at palakaibigan ang mga Australian pero mahalaga sa kanila na maging direkta at maiksi sa pakikipag-usap.

Nagbibigay ng sapat na oras at nagkokonsidera sa mga detalye ang mga Aleman pero mabilis na kumikilos sa mga proyekto kapag nabuo ang plano.

Pag-aralan din ang magkakaibang paraan ng pagbati. Sa China, sasalabungin ka ng masigabong palakpakan na dapat mo ring suklian ng palakpak bilang paggalang sa kasamahan sa trabaho. Sa France, Germany, at New Zealand, kailangan mong kamayan ang mga kasamahan sa trabaho sa simula at pagtatapos ng meeeting.

Dapat lagi ka lang nakatingin sa kinakamayan mo kung nasa New Zealand ka  at saglit lang ang tingin kung nasa France ka. Kailangan yumuko ka rin kapag niyuyukuan ka sa China, Germany, at Japan bilang respeto. Maging maingat sa pagbibiro dahil baka hindi ito matanggap.

Mas matimbang ang makukuhang pakinabang at bentahe sa magandang relasyon sa mga kasamahan sa trabaho kaysa sa mga disbentahe nito.

* * * * * * * * *

Email- [email protected]

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with