^

PSN Opinyon

May undeclared wealth na, may unexplained maleta pa!

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nga makausad nang maayos ang depensa ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, kung saan tambak ang ebidensyang hindi nila masagot nang diretso, heto at may mga bagong testigong lumutang para dagdagan na naman ang sakit ng ulo ng kanyang kampo.

Dalawang bagong testigo ang nagsalaysay tungkol sa umano’y pagdadala ng 35 hanggang 40 maleta para kay Sara sa isang property na pag-aari ng pamilya Duterte sa Davao noong 2021 at 2022. Ang mga salaysay na ito ay dagdag sa naunang pahayag ni Rodulfo Gracioso, dating security aide umano ni former House Speaker Lord Allan Velasco.

Bokya na nga ang depensa ni Sara sa impeachment trial, sa labas naman ng korte ay may mga bagong akusasyon ng katiwalian siyang kailangang harapin.

Ang lumalabas, bukod sa diumano’y undeclared wealth ni Sara na umaabot sa lagpas P800 milyon, aba’y may 35 hanggang 40 maleta pang tinanggap umano ang bise presidente. May undeclared wealth na, may unexplained suitcases pa!

Mabilis ang sagot ng kampo ni Sara. Parte raw ito ng political persecution laban sa kanya at sa kanyang ­pamilya. Weh! Lahat na lang political persecution!

Kung kaliwa’t kanan ang mabibigat na akusasyon at ebidensiya ng katiwalian, pagnanakaw at pang-aabuso sa kapangyarihan, ito ay isang malinaw na pattern na ng mga kahina-hinalang gawain na hindi kayang tabunan ng paulit-ulit na palusot.

Kaya pala eksperto ang kampo ni Sara sa pagkukuwento tungkol sa mga “maleta boys,” sila-sila rin pala ay may sariling kuwento ng mga maleta!

Sa rami ng kontrobersiyang kinakaharap ni Sara, parang hindi na mga maleta ang kailangan niya kundi isang buong bodega para paglagyan ng mga eskandalong patuloy na dumidikit sa kanya.

Ang hamon kay Sara: buksan ang maleta ng pananagutan. Huwag magtago sa likod ng mga abogado. Ilabas ang katotohanan at magpaliwanag sa mamamayan. Hindi madadaan sa paandar, drama at palusot ang tawag ng katotohanan, katarungan, at pananagutan.

SARA DUTERTE­

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with