Target ni Gen. Mendez, generally peaceful na Undas!
Hindi puwedeng kampante. Kailangan palakasin ang police visibility, paigtingin ang pagtugis ng wanted persons, bantayan ang loose at expired firearms at tiyaking mabilis ang pagresponde sa bawat insidente, lalo ngayong Undas.
Ito ang malinaw na mensahe ni PRO3 Director Brig. Gen. Jess B. Mendez matapos niyang pulungin ang mga commanders, Provincial at City Directors, at iba pang key officers ng Central Luzon sa isang command conference.
Ang target: generally peaceful and orderly na Undas. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Malinaw ang paalala ni Mendez na hindi puwedeng matapos sa Undas ang mataas na antas ng readiness at police presence kahit na pababa-ng-pababa ang crime trend sa rehiyon.
Imbes, ang direktiba sa kanyang mga commanders ay paigtingin pa ang preventive policing, focused law enforcement operations at community participation.
Kung sabagay, sa ilalim ng Own the Project o OTP approach ni Mendez, halos 4,000 wanted persons na ang naaresto sa loob ng wala pang tatlong buwan mula Agosto hanggang sa kasalukuyan.
Ibig sabihin, hinahanap, tinututukan, naaresto ang mga may warrant. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kasabay nito, pinaigting din ng PRO3 ang Accounting and Disposition of Firearms with Expired Registration o ADFER, kung saan humigit-kumulang 78,000 individually registered firearms at nasa 5,000 firearms registered under juridical entities na ang na-account. Purbidang yawaahhhhh! Kay dami naman!
Habang hinahabol ang kriminal, binabantayan din kung nasaan ang mga baril.
Samantala, pinalalakas ng JBM Patrol System ang crime prevention sa pamamagitan ng mas mataas na police visibility at aktibong partisipasyon ng Barangay Peacekeeping Action Teams o BPATs.
Kapag may insidente naman, pumapasok ang Kuyog System—mabilis na koordinasyon, information sharing at sabayang pagkilos ng mga police unit para matukoy at maaresto agad ang suspek.
Simple ang konsepto. Walang kanya-kanyang galaw. Ang publiko, araw-araw ay umaasa sa kanilang pulis. Abangan!
- Latest















