^

PSN Opinyon

NCR Mayors, Congressmen pasado sa survey!

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Pitong alkalde at pitong kongresista sa Metro Manila ang magkakapantay sa No. 1 ranking sa pinakahuling performance at trust survey ng RPMD Foundation Inc. Higit na kapansin-pansin: lahat ng alkalde at district representatives sa NCR ay lumampas sa 55% passing benchmark. Walang bumagsak!

Sa Boses ng Bayan survey ng RPMD, katuwang ang iSTORYA! News at 1NewsPH, noong Nobyembre 2–7, 2026, kinapanayam ang 5,000 respondents, na may iniulat na ±1.6% NCR-wide margin of error. Sinukat ang performance at trust ratings ayon sa kanilang mga nasasakupan.

Sa mga alkalde, statistically tied sa No. 1 ranking, na may ratings na 89% hanggang 90%, sina Joy Belmonte, Jeannie Sandoval, Vico Sotto, John Rey Tiangco, Along Malapitan, Wes Gatchalian, at Emi Calixto-Rubiano. Pitong alkalde, iisang pinakamataas na ranking tier.

Sa Kamara, statistically tied rin sa No. 1 ranking, na may ratings na 86% hanggang 88%, sina Toby Tiangco, Miro Quimbo, Brian Yamsuan, PM Vargas, Ralph Tulfo, Oca Malapitan, at Marivic Co-Pilar. Ang shared ranking ay batay sa pagsusuring kinumpirma ng RPMD statisticians.

Para sa akin, simple ang sukatan ng mahusay na lingkod-bayan­: kung maayos kang nagtatrabaho, hindi para sa sariling­ bulsa kundi para sa mamamayan, at ramdam ang iyong serbisyo, susuklian ka ng suporta. Hindi kailangang ipilit ang magandang­ imahe kung nasasakupan mismo ang nagpapatunay.

Hindi lamang ang nanguna ang nakatanggap ng positibong pagsusuri. Lahat ng sinuring alkalde at district representatives sa NCR ay pumasa sa benchmark ng RPMD. Magkakaiba man ang marka, ipinahihiwatig nito ang pangkalahatang posi­tibong pananaw ng respondents sa kanilang mga lider.

Gayunman, hindi dapat maging kampante ang nangu­nguna. Ang mataas na ratings ay hindi permanenteng titulo o garantiya sa 2028 elections. Maaaring magbago ang pananaw ng publiko, kaya kailangang patuloy na paghirapan at patunayan ang tiwala sa araw-araw na paglilingkod.

Hindi ang politiko ang dapat magdikta kung gaano siya kahusay. Ang taumbayan ang tunay na hurado. Hindi sapat ang sikat na apelyido o malakas na makinarya. Kapag ramdam ang serbisyo, kusang ibinibigay ang tiwala.

RPMD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with