^

PSN Opinyon

Saluyot: Para sa balat, mata at anemic

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang saluyot ay isa sa pinaka-masustansyang gulay sa mundo.

Pwede ito sa may diabetes, sakit sa puso at mataas ang cholesterol.

Siksik ito sa bitamina at minerals tulad ng Vitamin A, C, E, K, Riboflavin o vitamin B2, Niacin o B3, Panthotenic acid o B5, Pyridoxine o B6, Folate o B9, calcium, iron, copper, potassium at iba pa.

Ang kahalagahan ng mga bitaminang ito na makukuha sa saluyot para sa ating katawan:

1. Ang vitamin K ay bitaminang nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.

2. Ang vitamin A at beta-carotene ay para sa mata, balat o skin growth, pagre-repair o pagsasaayos ng selula sa ating katawan tulad ng paggaling ng sugat.

3. Ang vitamin B6 o Pyridoxine ay para makaiwas sa sakit sa mata na dahil sa pag-edad tulad ng age related macular degeneration.

4. Ang vitamin C o ascorbic acid ay napakalaking tulong para sa ating immune system at balat, at upang makaiwas o makapagpagaling sa sakit sa ubo at sipon at hindi mauwi sa pulmonya o impeksyon sa baga.

5. Ang calcium ay kailangan para mapatibay ang buto, ipin at gilagid.

6. Ang vitamin E ay para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at mata.

7. Ang iron ay kailangan para sa malusog na red blood cells.

Iluto ito bilang sahog sa dinengdeng, inabraw, paksiw, ginisang labong, sa sopas at bulanglang.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with