^

PSN Opinyon

Spare tires

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SI Chiz na lang ang kulang! Sa pagdeklara ni ERAP ay halos kumpleto na casting ng halalan 2010.  Ngayon nama’y mainit ang bulung-bulungan kung sino ang makakapareha ng ating “presidential candidates”. Marami nang pangalan ang lumantad. Maraming nagpaparamdam.  May bumaba mula sa intensyong magpresidente at meron din namang nagpapaligaw at kasalukuyang dumadapo sa iba’t ibang partido sa paghahanap ng pinaka-paki-pakinabang na kaanib.

Hindi ganap ang pag-unawa ng ilan sa halaga ng posisyon ng Vice President. Matapos ang eleksiyon ay madalas nakakalimutan ang mga ito. Ang kasaysayan ng ating bansa ay testigo sa importansiya ng Vice President. Sina Sergio Osmeña, Elpidio Quirino at Carlos Garcia ay mga Vice President na naging President dahil sa pagkamatay nina Manuel Quezon, Manuel Roxas at Ramon Magsaysay. Si Gloria M. Arroyo, itinaas sa puwesto nang tinanggal si Joseph Estrada sa Malacañang.

Ang sistema sa United States ay tinatawag na “block vote” kung saan ang boto mo sa President ay tinatanggap bilang boto rin sa “running mate” nito. Kaya nga nagkaroon doon ng mga personalidad na tulad ni Dan Quayle at Dick Cheney, Bise ng mag-amang George Bush. Kapwa walang pag-asang mahalal kung hindi sila ka-package deal ng ulo. Ganito rin ang dating sistema sa atin sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973 kung saan nakasaad na: “A vote for the Pre­sident shall also be a vote for the Vice-President running under the same ticket of a political party, unless otherwise provided by law”. Si Arturo Tolentino, Bise ni Ferdinand Marcos, ay naging Vice President sa ilalim ng probisyong ito. Maging si Salvador Laurel na ka-ticket naman ni Cora­zon Aquino ay iniluklok na revolutionary Vice-President dahil dito.

Sa 1987 Constitution, direkta na ang pagboto sa Vice President. Kaya mada­las kontra partido ang lumalabas na tambalan – FVR at Erap (tinalo si Lito Osmeña), Erap at Gloria (tinalo si Edgar-do Angara). Ang pagki­latis sa mga kandidato sa posisyong ito ay dapat kapantay ng pag­siyasat sa ibobotong President.

Dahil sa anumang oras, ang spare tire na tinatawag ay maaring ilabas at gamitin upang patakbuhin ang sa­sak­yan.

CARLOS GARCIA

DAN QUAYLE

DICK CHENEY

ELPIDIO QUIRINO

ERAP

FERDINAND MARCOS

GEORGE BUSH

JOSEPH ESTRADA

PRESIDENT

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with