^

PSN Opinyon

Libreng paaral ni Miguel G. Belmonte

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAPAKABAIT talaga ng aking kaklase, si Mr. Miguel G. Belmonte, and Presidente at CEO ng Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON. Sa tulong niya, nakapaggra­duate ang 98 na estudyante noong naka­raang May 8, 2009.

Ang kakaibang eskuwelahan ng Philippine STAR ay tumutulong sa mga taong hindi nakapagtapos ng high school dahil sa kulang sa pera, sa baon at sa panahon. Kahit ika’y edad 12 o 82, puwede kang makatapos ng high school. Mag-enroll lang sa AbakaDamayan school ng Philippine STAR.

Ang mga klase ay ginaganap bawat Sabado mula 10 a.m. hanggang 3 p.m. Mag-uumpisa ang bagong grupo ng mag-aaral sa Hunyo nitong taon.

Kakaiba talaga ang bait ni Mr. Miguel Belmonte dahil sobrang suwerte ang mga estudyanteng makapag-aaral. Una, libre na sa tuition. Pangalawa, libre pa sa mga baba­sahing aklat at materyal. Pangatlo, may libreng panang­halian pa ang mga estudyate. Grabe talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pag-aalaga.

At hindi lang iyan, sa graduation ceremony kung saan ako dumalo, lahat ng 98 graduates ay may libreng 8 x 10 inch framed picture nila na naka-toga. At mayroon pang regalo na P500 and bawat isa! Saan ba kayo nakarinig ng ganyan? Pero kitang-kita naman sa mukha ng mga graduates ang saya at galak na nararamdaman.

Ang napakasayang seremonya ay ginanap sa Betty Go-Belmonte Hall sa 4th Floor ng Philippine STAR Office. Si Ma’m Betty Go-Belmon-te ay ang yumaong ina ni Miguel Belmonte, na nag­taguyod sa Ope­ration Da­­mayan Program noong 1987.

Sobrang biyaya na ang natanggap ng mga estud­yante. Pero, alam ninyo ba na pagkatapos ng graduation ay may libreng pakain pa ang mga graduates at bisita. May catered na bar­beque, sotanghon, sandwiches, puto, juice at pang­himagas pa!

Para sa akin, karapat-dapat lang manalo ng ma­raming awards ang Operation Damayan ng Philippine STAR, dahil milyun-milyon na ang kanilang naga­gas­tos para makatulong sa mga mahihirap nitong na­kalipas na 21 taon.

Ang AbakaDamayan School ay isa lang sa ma­rami pang charity projects ng Philippine STAR. May­roon pang charity sa pas­yente, sa medical mission, sa kalamidad, at tree-planting pa.

Malaki ang paghanga ko sa bait at talino ni Mi- guel Belmonte. Hindi siya nakalimot sa turo ng aming mga guro sa Xavier School. “Tumulong sa kapwa. Nan­diyan ang biyaya at saya sa buhay.”

vuukle comment

BELMONTE

BETTY GO-BELMON

BETTY GO-BELMONTE HALL

MIGUEL BELMONTE

MR. MIGUEL

MR. MIGUEL BELMONTE

OPERATION DAMAYAN

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with