^

PSN Opinyon

No.1 ang Salamat Dok sa ABS-CBN

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MALAKI ang naitutulong ng programang Salamat Dok ng ABS-CBN sa kalusugan ng ating bayan. Ayon sa survey, ito ang number 1 health show ng bansa. Ano ang sekreto ng kanilang tagumpay?

Cheryl Cosim: Charitable TV host

Ang batikang host ng Salamat Dok ay ang maganda at charming na si Ms. Cheryl Cosim. Kakakasal pa lang ni Cheryl kay John, isang businessman. Very credible si Cheryl bilang host at ika-5 taon na niya ngayon sa Salamat Dok.

Bawat linggo ay iba’t iba at maraming matutunan sa kanilang paksa. Minsan pampaganda, sakit sa puso, sa baga, sa buto at iba pa. Lahat na yata ng problema sa ka­-lu­sugan ay natalakay na. At kung may katanungan kayo, puwede kayong tumawag sa ABS-CBN para magta-   nong habang ume-ere ang show.

Pier Pastor: Batikang reporter at host

Ang isa pang host na nagpapalakas sa programang Sala­mat Dok ay si Ms. Pier Pastor.  Si Ms. Pier ang lumilikom ng pinakabagong balita tungkol sa medisina at ibinabahagi niya ito sa publiko. Bilang isang TV Patrol reporter, sanay na sanay na si Ms. Pier sa ganitong pagbabalita.

At bukod sa pagbigay ng impormasyon, may libreng medical mission pa ang Salamat Dok na ginaganap sa ABS-CBN garden. Natutuwa kami na maging bahagi ng medical mission at programa ng Salamat Dok.

Producers Ms. Marielle Catbagan at Ms. Cheryl Favila

Ang tagapag-isip ng konsepto ng programa ay naka­salalay sa Executive Producer. Noong mga unang taon ng Salamat Dok, inalagaan ito ni Ms. Cheryl Favila, na hanggang ngayon ay laging pinupuri ng mga staff. Si Ms. Favila ngayon ang Executive Producer ng Umagang Kay Ganda.

Ang pumalit kay Ms. Favila ay si Ms. Marielle Catba­gan na lalong nagpalakas at nagpalawak sa programa. Sa tulong nila, ang Salamat Dok ay nanalo na ng limang parangal: 3 Anak TV Awards, 1 Golden Dove Award at 1 USTV Award. Congratulations sa lahat ng staff ng Sa­lamat Dok: Michelle Na­varro, Obet Serrano, Otek Sale, Aida Salamat, Alex Gero­ nimo, Maila Cuevas, Raquel Tagle, Eder Austria, Rowena Campoy, Rea Tiama, Miriam De la Cruz, Jerome De la Cruz at Joan Montero.

Nagpapasalamat din kami kay Ms. Flor De La Rosa, ang presidente ng Grace Park Lion’s Club ng Caloocan City District 301-D2, dahil sa pagtulong nila sa medical mission. Libreng salamin, pagkain at giveaways ang dala-dala palagi ni Ms. Flor para sa mga pas­­yente. Iniimbitahan ko ka­yong manood ng Salamat Dok sa ABS-CBN tuwing Sa­ba­do, 6 a.m. at Linggo, 7:30 a.m.

vuukle comment

AIDA SALAMAT

ALEX GERO

DOK

EXECUTIVE PRODUCER

MS. CHERYL FAVILA

MS. FAVILA

MS. PIER

SALAMAT

SALAMAT DOK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with