^

PSN Opinyon

Bato: noon, ‘shit happens,’ ngayon, ‘due process’

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

P50 milyon ang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong hahantong sa pag-aresto sa puganteng si Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Itinuturing siyang “armed and dangerous,” binigyan ng isang linggong ultimatum para sumuko, at tinutugis ng police task force. Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay handang tumulong sa pagdakip sa dating hepe ng PNP at pangunahing tagapagpatupad ng Oplan Tokhang, na iniugnay sa libo-libong pagpatay.

Sa gitna ng tumitinding manhunt, panawagan naman ng kampo ni Bato at ng kanyang mga alyado: due process. Pakiusap pa ng kanyang asawa: “He needs your help, not your persecution.”

Nasaan ang ganitong malasakit noong pinagkaitan ng karapatan, kinasuhan nang walang sapat na batayan, at pinaslang ang libo-libong biktima ng Tokhang? Nasaan ang due process para sa mga tulad ni Kian delos Santos at maraming pang inosente at musmos na mga bata?

Ano nga ulit ang sinabi ni Bato noong hepe siya ng pambansang pulisya habang ipinapatupad ang Tokhang? “Shit happens.”

Kapag ibang tao ang namamatay, “shit happens.” Ngayong si Bato naman ang inuusig ng katarungan, bigla siyang naging champion ng due process at fairness.

Daig pa ni Rep. Leila De Lima si Bato. Buong tapang na hinarap ni Leila ang mga walang batayang kaso, maging ang mahigit anim na taong pagkakakulong. Eh si Bato? Duwag na duwag!

Damang-dama natin ang panic ni Bato. Bakit? Binago ng P50-milyong pabuya ang sitwasyon. Ngayon, may P50 milyong dahilan na para ituro at traydurin siya ng mga nakaaalam kung saan siya nagtatago. May P50 milyon dahilan para mas maengganyo at mas magsipag ang mga tumutugis sa kanya.

Nangangamba raw si Bato para sa kanyang kaligtasan. Bakit, natatakot ba siyang ideklarang “nanlaban,” gaya ng maraming biktima ng Tokhang? Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

Bato, kung tunay kang nangangamba para sa iyong kaligtasan, ang iyong mapayapang pag-aresto ay higit mong kailangan. Kung naniniwala kang tama ang Oplan Tokhang ninyo ni Duterte at inosente ka, harapin mo ang iyong mga kaso.

Maliwanag ang sigaw ng taumbayan: Bato, sumuko ka na! Hinihintay ka na ng tatay mong karton!

RONALD “BATO” DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with