^

PSN Opinyon

Massacre ng mga kuwago dahil sa sobrang gamot

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Halaw ito sa Facebook page na Better Human ng Project Nightfall. Pinamagatang “Isang libong beses na mas nakamamatay: Ang maling gamot na kumitil sa dose-dosenang kuwago”.

Nu’ng 2021 namatay ang 42 kuwago dahil sa maling food supplement. Umorder ang mga tagapag-alaga ng Owlpromix, gawa ng Asuka Animal Health ng Japan. Akala nila sisigla ang mga alaga. Mali.

Simula pa lang, nakitaan na ng neurological distress ang mga ibon. Nawalan sila ng balanse, nag-kombulsyon, at malubhang nagkasakit.

Sinikap iligtas ang buhay ng 42 alaga. Sawi. ­Naglunsad ng malawakang imbestigasyon. Sinuri ng veterinarians at eksperto sa lason ang diyeta ng mga ibon. Pero wala namang masamang karne o lason na naipakain.

Sinuri ang supplement na Owlpromix na binili sa Japan. Natulala ang mga imbestigador sa natuklasan nila. Kinopya ang supplement sa isang British formula. Pero imbis na 1 milligram ng Vitamin B6, 1 gram ang ihinalo. Tepok!

Ang dosage na 1 milligram ay naging 1 gram – isang libong beses mas matindi, kaya nalason ang mga ibon.

Importante ang Vitamin B6 para sa mga alagang hayop. Hinahalo talaga ito sa food supplements. Pampasigla ng katawan.

Pero ang sobrang Vitamin B6 ay nakasasama. Nalason ang mga kuwago sa overdose.

Leksyon ito sa lahat ng nag-aalaga ng aso, pusa, ibon, isda, atbp. sa bahay. Pag-ingatan ang dosage ng pakain. Hangga’t maari, bumili ng subok na pakain.

Kung minsan nagbibigay tayo ng gatas na pangtao sa alagang hayop. Timplang pang-batang musmos ang ginagawa natin. Mali ‘yon. Matindi ang epekto sa hayop ng gatas na pangtao. Maaring ikasira ng atay, bato, tiyan, at bituka ng alaga.

MASSACRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with