^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung walang inililihim ba't di humarap sa hearing

-

KAHIT ano pa ang gawin ng Senado, malabo na ngang mapadalo sa kanilang inquiry si First Gentleman Jose Miguel Arroyo. At nakikita na wala na namang kahihinatnan ang kanilang imbestigas­yon. Katulad din ito ng mga nakaraan nilang imbes­tigasyon — halimbawa’y ang NBN-ZTE deal na wala ring kinatunguhan. Noong Huwebes, sinabi ni FG na gusto siyang patayin ng kanyang mga kritiko. Wala naman daw katotohanan ang mga akusasyon sa kanya. Sa himig ng pananalita ni FG, wala siyang balak humarap sa Senado para sagutin ang inaaku­sa sa kanya kaugnay sa $133-milyong anomalya sa road project na ibinulgar ng World Bank.

At ano kaya ang susunod na hakbang ng Senado ukol dito. Kung ayaw humarap ni FG, tiyak na hindi rin siya papayag sa balak ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sila ang pupunta kay FG para marinig ang panig. Ayon kay Santiago, sa deposition ay maaa­ring ibigay ng isang tao ang kanyang side. Ito aniya ay under oath. Sabi ni Santiago kaysa raw pilitin na papuntahin sa Senado, sila na lamang ang pupunta. Pero sa aming palagay tatanggihan din ito ni FG.

Lumawak nang lumawak ang ibinulgar ng World Bank ukol sa anomalya. Tatlong kompanyang Pinoy ang pinagbawalan ng World Bank na makasali sa bidding dahil sa katiwalian. Itinigil ng World Bank ang pagbibigay ng pondo. Sabi ni Sen. Panfilo Lac­ son, ang isa sa mga may-ari at contractor na na-blacklist ay kakilala ni FG. Nakakuha ng kopya ng diary si Lacson kung saan 20 beses daw nakipagkita ang contractor na si Eduardo de Luna kay FG.

Mag-iisang buwan nang usap-usapan ang pagka­kadawit ni FG sa anomalya. At patuloy din naman siyang umiiwas sa isyung ito. Maski si President Arroyo ay walang masabi ukol dito. Habang patuloy ang pag-iwas, lalo namang nagdududa ang taum­bayan kay FG. Hindi lamang ang isyu sa World Bank ang kanyang kinasangkutan kundi merong iba pa. Marami na ring putik ang sinaboy sa kanya at damay ang kanyang maybahay.

Pinakamainam ay humarap siya sa imbestigas­yon at linisin ang pangalan. Kung walang inililihim, madaling magsalita ukol dito. Kung walang itina­tago, madaling magpaliwanag. Kahit na paikut-iku­tin ng mga Senador ang pagtatanong, kahit na bali-baliktarin, masasagot niya kung walang itinatago o inililihim. Ang taong matuwid ay hindi maililihis.

AYON

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NOONG HUWEBES

PANFILO LAC

PRESIDENT ARROYO

SABI

SENADO

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with