^

PSN Opinyon

Happy New Year sa madlang pinoy

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang pinoy sa Philippines my Philippines ng Happy New dear este mali Year pala.

Sana sa taong ito ay mabago na lahat ang buhay ng madlang people maging masagana sana sila at huwag magkasakit.

Sa taong ito tiyak pusturahan na ang mga gustong magpa-pogi sa politika dahil malapit na ang National Election.

Matuto sanang bumoto ang ating mga botante para alaws sisihan pagdating ng huli.

Barangay tulog, sa Barangay Sikatuna

TUMIRA ang mga gago sa naka-park na sasakyan dyan sa Barangay Sikatuna, Quezon City at dalawang side mirror ang nadale sa pobreng alindahaw na owner ng tsikot.

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, at mabilis ang mga kamote dahil kung bumagal sila ng ilang segundo baka sa sementeryo sila pinulot.

Sabi nga, si Satanas sana ang nakausap ng mga kriminal.

Busy daw kasi ang mga burungoy kawatan sa nasabing lugar dahil panay ang orbit nila para sa kanilang pansariling interes.

Malapit lang ang Camp Karingal sa lugar pero alaws kasing mga katulisan este mali kapulisan pala na makita dito na nagpa-patrolya.

Nasa busy street daw kasi ang mga lespu at ATM ang binabantayan dahil baka dito tumira ang mga kamoteng ulupong.

Kaya bilib na bilib ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa deklarasyon ni Chief PNP Jesus Ame Verzosa na ‘REFORM or PERISH’!

Marami na kasing perwisyong ginawa ang mga tirador na magnanakaw kaya panahon na rin sila naman ang tirahin.

Anyway, sana ulitin ng mga gago ang kanilang ginawa para makita nila ang kanilang hinahanap.

Abangan.

Nasaan ang mga kinumpiskang paputok?

HINDI biro ang nakumpiskang paputok ng mga lespu daan-daan libo ang halaga nito kasi naman ang mga nangapital sa produkto ay matitigas ang ulo.

May panuntunan na ang mga kapulisan na bawal as in bawal ang mga malalakas na paputok ang problema benta pa rin sila ng benta.

Sabi nga, nilabag ang kautusan ng authorities.

Ang mga malalakas na paputok ba na kinumpiska ng mga autoridad ay saan dinala ng mga ito?

Nilunod este mali nilublob ba nila sa tubig o binasa ang mga paputok para hindi talagang mapakinabangan at maiwasan ang disgrasiya?

Ang mga pigoy din ba ang nagpaputok ng mga nakumpiskang paputok?

Dapat sigurong busisiin ng higher ups sa Philippine National Police kung nasaan inilagay ang mga nakumpiskang paputok.

Ibenenta kaya ulit ito o ginamit last night sa pagsalubong ng New Year?

Naku ha!

Dapat sigurong ipaalam sa madlang people kung ano ang nangyari sa mga nakumpiska para hindi magduda ang bayan magiliw este mali public pala sa pangyayari.

Sa mga nahulihan ng bawal na paputok naaawa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil malaking pitsa ang nawala sa inyo ngayon taon.

Pero hindi rin naman natin masisisi ang mga kumumpiska nito dahil kayo rin ang may kasalanan.

 Sabi nga, ang bawal ay bawal.

Sibakan blues sa Bureau of Customs

HINDI na siguro maawat ang sibakan blues sa Bureau of castong este mali Customs pala ngayon Enero dahil marami ang mapapalitan todits na top brass officials.

Si Deputy Commissioner for Enforcement and Intelligence Group Celso Templo, ay tired este mali magreretiro pala sa ikalawang linggo ng Enero.

Maganda ang ipinakita ni Celso sa kanyang mga constituent dahil minahal siya ng mga ito kaya naman malungkot sila sa pagbaba sa puesto ng ating bida.

Ang mga napipisil daw na papalit kay Celso ay sina MICP Collector Suansing, sinasabing kamag-anak ni Senator Miriam Defensor Santiago at si retired PNP General Carding Dapat, na batang sarado daw ni DOTC Secretary Leandro Mendoza.

Ang mga nabanggit ay may kanya-kanyang katangian sa life sanay sila sa mga operasyon regarding sa smuggling activities at pagpapatupad ng enforcement at intel networking.

Sabi nga, may the best man win.

Si retired PNP General Radovan, ay nababalitang papalitan bilang Director ng Customs Police nakalinya sa kanyang lugar sina retired Col. Rene Gonzales, na miembro ng PMA Class 78, Col. Joey Yuchongco, ng Chief ng Customs Police at ang dark horse na si General Gualberto, sinasabing ang babalik na lawin.

Sa mga mapipisil ng malakanin este mali Malacañang pala ‘CONGRATS’ sa inyo.

BARANGAY SIKATUNA

BUREAU OF CUSTOMS

CAMP KARINGAL

CELSO

COLLECTOR SUANSING

CUSTOMS POLICE

DAHIL

PAPUTOK

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with