^

PSN Opinyon

Formula para matiyak ang presyong gasolina

SAPOL - Jarius Bondoc -

KAPANSIN-PANSIN na mas mabilis ang maliliit na kompanya ng langis kaysa Big 3 mag-rollback ng presyo ng gasolina. Aba’y nitong huli, limang araw nang nagbaba ng pump prices ang Total, Seaoil, Unioil at iba pang maliliit na oil firms, saka pa lang humabol ang dambuhalang Petron, Shell at Chevron. Nagtataka na nga si Oil and Consumer Price Watcher Raul Concepcion kung ano pang komputasyon ang ginagawa ng tatlo, at hindi naman maipaliwanang ni Energy Sec. Angelo Reyes ang kabagalan nila.

Bakit nga ba kayang unahan ng small players ang Big 3? Ang sagot, ayon sa kaklase ko sa high school, si Tom Rueda, ay nasa simpleng mathematical formula.

Sinuri ni Tom ang pump prices ng gasolina nang sumipa ang presyo ng crude oil kamakailan, habang nag-rollercoaster din ang palitan ng piso sa dolyar (na currency sa pag-angkat). Nang ang krudo ay $146 kada bariles at ang dolyar ay P45, ang gasolina ay P59, ani Tom. Ang formula na nadiskubre niya: $146 x P45 x .009 = P59.13 per liter.

Nirepaso ni Tom ang pump prices dalawang taon na ang lumipas, nu’ng stable ang krudo sa $50 kada bariles at ang dolyar ay P53.50. Stable din ang gasolina noon, sa ganitong equation: $50 x P53.50 x .009 = P24.08.

Samakatuwid, .009 ang constant number sa dalawang komputasyon.

Kaya, ngayong bagsak na sa $105 kada bariles ang presyo ng krudo, at dolyar ay P46.50, dapat, sa formula, P43.94 per liter lang ang gasolina.

Tama ang mga bumabatikos sa Big 3. Dapat hindi bababa sa P7 kada litro ang rollback mula sa dating P57. Dapat pa nga P13 ang rollback.

Bilib talaga ako sa utak ni Tom. Naalala ko sa high school, seryoso siya sa Trigonometry, Physics at Economics, samantalang puro Recess ang minaster ko. Kaya meron din akong naisip na mathematical formula para lutasin ang krisis pang-ekonomiya. Ganito ‘yon:

Tinatayang di bababa sa 40,000 ang GRO sa Pilipinas. Kumikita sila nang P1,000 kada araw, pinaka-maliit. 40,000 times P1,000 equals P40,000,000 araw-araw na ekonomiya. Times 365 days ... wow, jackpot!

ANGELO REYES

BAKIT

BILIB

DAPAT

ENERGY SEC

GANITO

KAYA

KUMIKITA

OIL AND CONSUMER PRICE WATCHER RAUL CONCEPCION

TOM RUEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with