Gaano mo kakabisado ang iyong katawan?
ANG pinaka-malaking cell sa katawan ng tao ay ang female egg. Ang pinaka-maliit ay ang male sperm. Kung pagtabi-tabihin ang 2,000 cells ng tao, pupuno ito ng isang pulgada kuwadrado (square inch).
Pitong segundo para umabot sa tiyan ang iyong nilutong pagkain. Kasinlaki ng soft ball kapag puno ang pantog.
Kayang buhatin ng isang buhok ng tao ang tatlong kilo. Kung hindi mag-ahit ang karaniwang lalaki, 13 talampakan na ang haba ng balbas niya sa kanyang pagyao. Mas malamang magka-cirrhosis sa atay ang lalaki na walang buhok sa dibdib kaysa balbon.
Mas matibay pa sa konkreto ang buto sa hita.
Bakit ka may dimples? Dahil sa pagkakakapit ng muscles sa balat sa pisngi.
Tatlong haba ng kanyang hinlalaki ang karaniwang ari ng lalaki.
Mas mabilis tumibok ang puso ng babae kaysa lalaki. Doble rin kumurap ang babae kaysa lalaki.
Karaniwang may isang trilyong bacteria sa paa mo. (Kaya ba mabantot?)
Ang bigat ng balat ng karaniwang tao ay doble ng utak.
Kapag tinititigan mo ang iyong sinisinta, bumubuka ang pupil (puti sa gitna ng itim) ng mata mo. Gan’un din kapag tumititig sa kinasusuklaman.
Hindi mo malalasahan ang laway mo kapag wala itong nilulusaw. Mas maraming namumuong luga sa tenga kapag natatakot ka.
Kapag nakatindig ka, 300 muscles sa katawan ang nagbabalanse sa iyo. Mas mababa nang limang pulgada ang karaniwang babae kaysa karaniwang lalaki.
Ilang nakatutuwang kaalaman lang ito tungkol sa ating katawan. Hoy, kayong mga lalaki, hangga ngayon ba naka tingin pa kayo sa inyong hinlalaki? At kayong mga babae, tinitingnan n’yo ba ang hinlalaki ng lalaki sa tabi n’yo?
- Latest
- Trending