^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Labanan ang smuggling at corruption sa Customs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Labanan ang smuggling at corruption sa Customs

Nang italaga ni President Ferdinand Marcos Jr. si Ariel Nepomuceno bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC) noong Lunes, ipinag-utos niya rito na palakasin ang kampanya laban sa smuggling at palawakin ang border protection. Pinalitan ni Nepomuceno si Bienvenido Rubio. Hindi naman sinabi kung bakit pinalitan si Rubio. Ayon sa direktiba ni Marcos, habulin at kasuhan ni Nepomuceno ang mga negos­yanteng hindi patas sa paraan ng pagnenegosyo.

Sinabi naman ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na nagsimula na ang gobyerno sa mas pinaigting at matinding paglaban sa smuggling. Sinabihan umano ng Presidente si Nepo­muceno na maging tapat ito sa bansa at maging trans­parent sa koleksiyon ng buwis.

Subalit may nakalimutan ang Presidente na sabihin kay Nepomuceno na bukod sa pakikipaggiyera sa smugglers, dapat ding patindihin nito ang paglaban sa mga korap na opisyal at empleyado sa BOC. Dapat tandaan na kaya nagkaroon ng smuggling ay dahil sa korapsiyon. Hindi naman magkakaroon ng lakas ng loob ang smug­glers na magpuslit ng produkto kung wala siyang “kina­kapitan” sa Customs. Hindi magkakaroon ng tapang ang smugglers kung wala silang kakutsabang opisyal at empleyado sa Customs. Sinasabi na maski janitor at security guard sa BOC ay namamantikaan din ang nguso dahil sa lawak ng korapsiyon doon.

Mas maganda kung uunahin ni Nepomuceno ay lupigin muna ang katiwalian sa BOC at kapag nagawa ito, unti-unti na ring mawawala ang korapsiyon. Paig­tingin ang paglaban sa katiwalian upang mapalakas din ang koleksiyon sa buwis.

Eksakto naman sa pagkakatalaga kay Nepomuceno ay ang pagkakakumpiska ng BOC sa mahigit P34 million halaga ng misdeclared agricultural products. Ang mga kargamento ay galing China na dumating sa bansa noong Mayo 27 at Hunyo 1, 2025.

Nagpapatunay lamang ito na talamak ang smuggling, partikular ang agri products.

Ang agri smuggling ay nagbibigay ng pangamba kay Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel. Dahil sa smug­gling, nawawalan ng kabuhayan ang mga lokal na mag­­sasaka. Sinabi ni Tiu-Laurel na nagpapatulong sila sa Philippine National Police (PNP) para mapaigting ang kampanya laban sa agri smuggling partikular sa smuggling ng sibuyas. May mga palengke sa Metro Manila na bagsakan ng smuggled na sibuyas.

Labanan ni Nepomuceno hindi lamang smuggling kundi­ pati na ang corruption sa pinamumunuang ahensiya.

ARIEL NEPOMUCENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with