^

PSN Opinyon

Diyeta sa diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ALAM n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain. Heto ang tips na dapat tandaan.

1. Walang “mild” sa diabetes.

Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50 percent ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.

2. Umiwas sa matatamis at matataba.

Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at ma-kolesterol na pagkain.

3. Tumanggi sa ice tea, soft drinks at capuccino. Magtubig na lang.

Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong ice tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong timbang ng isang libra bawat linggo? Ang isang basong soft drinks naman ay may pitong kutsa­ritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na Zero calories.

4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.

Akala nang marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakatataba ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas, anim na piraso lang ang limit mo. 

Ang mga prutas na puwedeng kainin ay ang mansanas, peras at saging. Ngunit, huwag ubusin ang isang piling!

5. Puwede ang one cup rice at isang platitong ulam.

May mga pasyenteng hindi na kumakain ng kanin. Hindi po ito maganda. Sa katagalan ay hihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may one cup rice ay okey na, di ba? Good luck po sa pag-kontrol ng inyong diabetes.

* * *

(Para sa inyong reaksiyon, mag-e-mail sa [email protected])

ALAM

DIABETES

DIABETES MEDICINE

DR. AUGUSTO LITONJUA

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with