Beaches sa Maguindanao, pugad ng cigarette smuggling!
Pugad ng magagandang beaches ang Sultan Mastura at Picong sa Maguindanao.
Subalit sinabi ng mga kosa ko na hindi sila dinarayo ng turista o ‘yaong mahilig lumangoy kundi naging paboritong daungan sila ng ismagel na sigarilyo. Araguyyyyy!
Ang tanong sa ngayon, bakit hindi binabantayang maigi ng mga pulis ang mga beaches sa Sultan Mastura at Picong? Dahil ba sa malaking pitsa?
Tsk tsk tsk! Kaya pala walang humpay ang pagdating ng ismagel na sigarilyo sa Visayas at Luzon ay dahil pikit-mata lang si BARMM director Brig. Gen. Christopher Abecia sa kalakaran nito sa Sultan Mastura at Picong. Purbidang yawaahhhhh!
O baka naman nabubukulan lang si Abecia?
Si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. siguro ay kayang itaboy itong cigarette smuggling sa Sultan Mastura ay Picong. Sal-it!
Anong sey mo Boss Sakur?
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng mga kosa ko na napasara na dati ang imbakan ng ismagel na sigarilyo sa mga beaches ng Sultan Mastura at Picong.
Kaya lang, ng lumutang si alyas Patrick, abayyyyy nagbalikan ang illegal na negosyo. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!
Ang mga sigarilyo ay galing sa Indonesia, ay iniimbak muna sa mga bodega sa bahay ng mga barangay chairman na malapit sa dagat, ayon sa mga kosa ko.
Bago ito isakay sa lantsa at ideliber sa Visayas at Mindanao, anila.
Dahil hindi nagbayad ng tax ang financier nito na si alyas Somar, natural na mura ito kapag ibinenta sa kalye ang sigarilyo, kumpara sa mga legal na sigarilyo. Mismooooo!
Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Teka, teka! Maliban kay alyas Patrick, may patong pang iba sa cigarette smuggling at ewan ko kung pulis o sibilyan sila. Kilala sila ng mga kosa ko sa mga alyas na Mama, Makapar, Tausog, Gandal, Drago, Sandal, Blue Imam at Macabal.
Totoo ba na mula P5-M hanggang P8-M ang payola dito? Sino ang tumatanggap?
Para malinis ang pangalan n’ya, dapat utusan ni Abecia ang Regional Intelligence Action Team o RMFB ng BRO-BARMM para bantayan ang beaches ng Sultan Mastura at Picong para matigil na ang raket na ito. Sal-it!
Ang imahe kasi ng PNP ang nasisira dito!
Go, go, go Gen. Abecia Sir! Abangan!
- Latest
















