^

PSN Opinyon

Hanggang saan ang people power? (Part 3)

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SANG-AYON naman si Dr. Benjie Tolosa ng Ateneo:  Ituloy lang natin ang mga maka-demokratikong proseso na ito, rally man ito, impeachment process, paglilitis sa Ombudsman. Kapag dumating naman sa kasukdulan ang pagtatakip at abuso ng pamahalaan ay sasabayan din ito ng kasukdulan ng damdamin ng taumbayan.  Tulad sa EDSA 1 na nagalit ang tao sa pagmaniobra sa snap elections at sa EDSA 2 na tila minaniobra raw ang impeachment process at di na ito natuloy, nagpasakalye na ang tao. Hindi pa huli ang lahat para sa mga naiinip at gusto nang tanggalin si GMA sa pagka-presidente.  Pero hindi rin ito puwedeng madaliin.

Ang punto ng mga nagsalita na beterano na sa ganitong mga sitwasyon ay di maaaring makalburo, kumbaga, ang pagpapalit sa mga lider ng pamahalaan. Kapag daw inunahan ng inip at pagpipilit ito malamang mangyari ang hindi dapat mangyari — at yan ay ang paggamit ng publiko sa military at ang military naman ay magpa­pagamit hanggang sa, sila mismo, ay manggagamit.  Ayon kay Elfren Cruz, beterano ng EDSA 1, “Ang problema kapag natanganan na ng military ang kapangyarihan, bitawan pa kaya nila ito?  Hindi dapat mangyaring mata­nganan ng military ang susi. Labag din ang pakikialam ng militar sa mga aktibidad sibilyan  sa Saligang Batas natin.  Ngunit naniniwala si Cruz na mangyayari pa rin ang kasukdulang ito o “tipping point” kung tawagin bago mag 2010. Ito daw ay dahil sa pagka arogante ng admi-nis­­tras­yong ito. Itong administrasyong tahasang sinu­subukan ang pasensya ng bayan.  Naniniwala si Cruz na dahil sa kayabangan ay magkakamali rin ang mga ito: Kidnapping, pagpatay ng tao, EO 464, pagma­ni­obra ng botohan sa Kongreso — at  iyun na rin ang mitsa ng kinalalagyan ni Gloria Arroyo ngayon. At lala­bas  sa panuntunan ng Saligang Batas ang aksi­yon ng publiko ngunit hindi ito mapipigilan.

CRUZ

DR. BENJIE TOLOSA

ELFREN CRUZ

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with