^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Paigtingin ang pagkumpiska sa loose firearms

-
MARAMING nagkalat na baril sa kapuluan, Sa kabila na mayroong gun ban, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng krimen at mga karahasang may kaugnayan sa election. Nagsimula ang gun ban noong January 15 at matatapos sa June 13. Kung may gun ban hindi nga naman makapananaig ang mga pulitikong nais gamitin ang kanilang mga "badigard" para manakot. Pero sa kabila na bawal ang pagdadala ng baril, lalo lamang tumingkad ang maraming krimen. Sunud-sunod ang mga nangyayaring patayan na gamit ang baril. Sa puntong ito ay maitatanong kung gaano nga kahigpit ang Comelec sa pagpapatupad ng gun ban. O wala silang kakayahan na maipatupad ito?

Noong nakaraang linggo isang journalist na naman ang napatay. Bagamat hindi related sa election ang pagkakapatay kay Hernani Pastolero, editor-in-chief ng Lighting Courier sa Cotabato City, ang tanong dito ay ang pag-alagwa ng mga hired killers gamit ang baril. Tila walang katapusan ang pinagkukunan ng baril. Bakit hindi ito matiktikan ng mga maykapangyarihan. Dalawang bala ng caliber .45 ang tumapos sa buhay ni Pastolero. Ayon sa mga nakasaksi, hawak pa ng gunman ang baril habang papalayo sa lugar ng insidente.

Si Pastolero ang unang journalist na napatay ngayong 2007 at ika-50 mula nang maluklok si President Arroyo noong January 2001.

Baril ang ginamit sa pagpatay kay Pastolero at maaaring madagdagan pa ang ganitong krimen sa kabila na may gun ban ang Comelec. Ang nakapa ngangamba ay baka mapabilang na naman sa unsolved crime ang pagpatay.

Noong nakaraang Linggo rin, nahulihan ng mga bala ang isang congressman mula sa Laguna habang isinasailaim sa x-ray ang kanyang bagahe sa NAIA. Itinanggi ng mambabatas na sa kanya ang mga bala. Planted daw iyon. Isa pa rin itong kaso ng paglabag sa pagdadala ng armas.

Ipinagmamalaki ng Philippine National Police na 493 baril ang kanilang nasamsam mula nang ipairal ang gun ban. Bukod sa nasamsam na mga baril, nakaaresto rin ang PNP ng 575 katao dahil sa pagdadala ng baril.

Walang ibang makasasagot sa katanungang bakit maraming nakakalat na baril kundi ang PNP na rin mismo. Masyadong relax ang mga pulis at hindi ganap na namamanman ang mga galaw ng gun runners. Ang dapat panatilihin ay ang maigting na pagbabantay sa kapaligiran. Dagdagan ang checkpoints.

BARIL

COMELEC

COTABATO CITY

GUN

HERNANI PASTOLERO

LIGHTING COURIER

NOONG

PASTOLERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with