^

PSN Opinyon

Pabayang asal sa nakalalason

SAPOL - Jarius Bondoc -
GUMUHO nu’ng Lunes ang lumang aparador ng bote-botelyang kemikal sa isang high school sa Makati. Sumingaw ang amoy ng mga naghalong katas, kaya’t nahilo at inospital ang mga guro at kapitbahay. Kinabukasan, sa Barangay Frenza, Marilao, Bulacan, nagising ang mga kabaryo sa nakakasukang simoy mula sa ilog. Ibinuhos pala doon nu’ng kinagabihan ang toxic waste mula sa pabrika sa Valenzuela, Metro Manila. At nu’ng Miyerkules, 30 estudyante sa bayan ng Braulio Dujali, Davao del Norte, ang hinimatay, at 49 pa ang nanghina nang malanghap ang singaw ng pestisidyo sa karatig na banana plantation. Anang may-ari na Tagum Development Corp. (Tadeco), nag-leak ang kemikal na pampatay ng uod sa ugat ng mga puno.

Klaro sa tatlong insidente: Pabaya ang mga tao sa pagtabi, paggamit at pagtapon ng nakalalasong kemikal.

Pinaka-mayamang siyudad sa bansa ang Makati, kaya mabilis nag-ospital ng mga biktima at naglinis ng pook. Pero hindi pala tinuturuan ang mga eskuwela sa maingat na pagtago ng pang-chemistry classes. Ang CFS Waste & Recycling Management Co., na nag-dump ng truck ng toxins sa Bulacan, ay kontratista sa paghakot ng basura ng mga pabrika. Hindi mali isipin na ilang beses na ito ginawa ng salaulang grupo. Mabilis ang pag-ako ng Tadeco sa toxic leak at pagtulong sa mga naratay, pero walang ulat kung ano ang lunas na nilapat para hindi na ito maulit. Nangyari pa ang pagsingaw sa gitna ng debate ng mga pinuno sa Davao na ibawal ang aerial spraying ng lasong pestisidyo na kumakalat sa mga pamahayan.

Masamang ugali ang pagtalikod sa aral ng kasaysayan. Nangalason ang mga taga-Miyamata, Japan, dahil sa mercury factory. Nangalagas ang mga gubat sa Indochina dahil sa yellow rain ng sundalong Amerikano. Sapat na leksiyon na ‘yon. Pero dito, nilulusong ang tanker ship sa bagyo kaya nagkaroon ng oil spill sa Guimaras. Pati ang barge na pinanghakot ng sludge, lumubog dahil nilusong din sa habagat. Binabale-wala natin ang polusyon ng sasakyan, gayong carbon monoxide ang No. 1 killer gas.

BARANGAY FRENZA

BRAULIO DUJALI

BULACAN

DAVAO

MAKATI

METRO MANILA

PERO

RECYCLING MANAGEMENT CO

TADECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with