^

PSN Opinyon

Ano ang pagkakaiba ng jueteng sa PNP?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANG jueteng ay illegal kaya hinuhuli ng Philippine National Police samantala ang PNP, ang nanghuhuli sa illegal gambling tulad ng jueteng. He-he-he! Bakit up to now hindi masawata ang jueteng mukhang pinababayaan ng PNP? May padulas?

Hindi nagpapabaya ang katulisan este mali kapulisan pala sa isyu ng jueteng kundi nagtutulug-tulugan lang ang iba sa kanila. Sabi nga, may benefits kasi. Ano libre ospital? Hindi bigayan ng pitsa.

May one strike policy ang pulisya kaya naman ang iba sa kanila ay takot sa jue- teng pero ang iba rin ay dehins natatakot sa directive from the higher headquarters. Kung bakit iyan ang itanong ninyo sa mga foolish cops.

Ano ang nangyayari sa mga kapulisan na sinibak sa puwesto dahil sa jueteng? Nasa higher headquarters pasipul-sipol naghihintay na palitan ang sumibak sa kanila. Ika nga, weder, weder lang!

Bakit patuloy ang jueteng operation sa ibang lugar? Mage-eleksyon kasi kamote! Ano ang konek ng election sa jueteng?

Malaki kasi ang pitsa todits kaya yakang-yaka ng gambling lord na gumawa ng bagong pulitiko dahil sa pitsa sa jueteng. Turuan at sisihan lang ang drama sa jueteng. Ituturo ng katulisan este mali kapulisan pala ang LGU’s sa isang lugar na laganap ang illegal gambling samantala, ibabalik naman ng turo ng huli sa una ang panghuhuli. Kaya alaws talagang mangyayari.

‘‘May tara ba ang palasyo sa jueteng?’’ tanong ng kuwagong mangingisda.

‘‘Bakit ayaw ipa-sara ni Prez GMA ang jueteng?’’ anang kuwagong mangungurap.

‘‘Baka daw lalong mawalan ng kita ang mga ma-e-erap,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mga ugok political will lang ang kaila- ngan para matigil ang jueteng.’’

‘‘Sabi nga, kapag walang tatanggap ti-yak hinto ang jueteng operation at iba pang illegal gambling operations.’’

‘‘Tumpak ka kamote!’’

ANO

BAKIT

IKA

ITUTURO

JUETENG

KAYA

KOTONG

MALAKI

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with