^

PSN Opinyon

Kaso ng Chief Steward

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Rene ay nakuhang Chief Steward sa Food and Beverage Department (F&B) ng isang hotel (DHN) para sa tatlong buwan na probationary employment kung saan makatatanggap siya ng P25,000 kada buwan. Nagsimula ang kanyang empleyo noong November 21, 1998 at naipaliwanag din sa kanya ang pamantayan upang maging isang regular na empleyado.

Subalit nang matapos na ang kanyang probationary period ni Rene noong February 21, 1999, walang naisagawang pagkalkula sa kanyang gawain bilang probationary employee. Gayunpaman, iginiit ng Director ng F&B na hindi raw kuwalipikado si Rene para maging isang Chief Steward kaya inirekomenda nitong ipagpatuloy ang probationary employment ni Rene hanggang April 22, 1999. Ayon pa sa Director, ipinaalam daw niya kay Rene na hindi ito nakapasa dahil hindi naging maayos ang pamamahala nito sa mga tauhan, sa pamamaraan sa paggawa at sa kabuuang kakayahan nito. Sa katunayan, si Rene pa raw ang humiling ng pagpapatuloy ng probationary employment nito.

Samantala, ipinakita ng DHN ang dalawang Personal Action Form (PAF) na nagsasaad ng pagpapatuloy ng probationary period ni Rene. Ang una ay may petsang March 2, 1999 at ang ikalawa ay may petsang March 31, 1999. Ang unang PAF ay nagsasaad lamang ng pagpapatuloy ng probation ni Rene sa loob ng dalawa pang buwan kalakip ang isang memo. Subalit ang PAF na ito ay walang nabanggit na resulta ng nagawa ni Rene, walang nakalakip na memo at wala rin ang pirma ni Rene. Samantala, nagsaad naman ang ikalawang PAF ng pagtatapos na ng probationary employment ni Rene na naging epektibo noong April 9, 1999.

Kaya, naghain si Rene ng reklamong illegal dismissal and non-payment of wages with prayers for reinstatement, full backwages, damages and attorney’s fees.

Ayon kay Rene, ilegal daw ang pagtatapos ng kanyang probationary employment noong April 9, 1999 dahil sa petsang ito ay isa na siyang regular na empleyado kung kaya’t maaari lamang siyang matanggal sa makatwirang dahilan. Tama ba si Rene?

TAMA.
Ayon sa Labor Relations Law, si Rene ay naging regular na empleyado nang magtapos ang naitakdang tatlong buwang probationary employment nito noong February 21, 1999 dahil na rin sa kakulangan ng pagkalkula ng naging gawain nito at sa kawalan ng balidong pagpapatuloy ng probation nito.

Samantala, ang pagdismis kay Rene sa trabaho sa dahilang natapos na ang probationary employment nito ay hindi isang balido o makatwirang kadahilanan dahil nang ipatupad ito ay regular na ang estado nito sa hotel. Samakatuwid, ilegal ang pagdismis kay Rene kaya nararapat na igawad sa kanya ang reinstatement without loss of seniority rights and privileges, full backwages kasama ang allowances at ilang benepisyo na ipinagkait sa kanya mula nang siya ay madismis hanggang sa aktuwal na pagbabalik niya sa trabaho (Dusit Hotel vs. R.M. Gatbonton, G.R. No. 161654, May 5, 2006).

AYON

CHIEF STEWARD

DUSIT HOTEL

EMPLOYMENT

FOOD AND BEVERAGE DEPARTMENT

LABOR RELATIONS LAW

NITO

PROBATIONARY

RENE

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with