^

PSN Opinyon

Sec. Estrella, DARling ng magsasaka!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

GUTOM ang kalaban ng Pinas!

Hindi dapat nag-aaway ang mga Pinoy dahil sa pulitika. Ang dapat na awayin nila ay ang kagutuman. Get’s n’yo mga kosa?

Kapag gutom ang mga Pinoy, hindi ito nakakatanggap ng katwiran. Kapag kumakalam ang sikmura, mataas ang krimen. Kapag gutom, mainit ang ulo.

Kaya’t kung gusto nating magkaroon ng sapat na pagkain sa lamesa, tama at praktikal lang ang hakbangin ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella, ang isang Kalihim ng Gabinete ni President Bongbong Marcos, na gustong harapin ang gutom.

Sinabi ni Estrella na kung gusto ng mga Pinoy na may sapat na pagkain para malutas ang gutom, dapat palakasin ang pagtatanim ng palay, mais, at gulay. Abayyyyy! May punto si Estrella ah. Anong sey n’yo mga kosa?

Para sa mga Pinoy, tama ang landas na tinatahak ni Estrella, na “taking the bull by its horn,” o ang ibig sabihin ay ha­wakan ang sungay ng toro. Matandang kasabihan ba ‘ito mga kosa? Ano pa nga ba!

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Estrella, panahon na para palakasin ang sektor ng magsasaka. Ang kasagutan, aniya, ay kailangan umabot sa bukid, palenko at mismong bahay ang ayuda. Kung sabagay, ang isang pinakalohikal na sulusyon sa gutom ay ang tulungan ang mga magsasaka. Get’s n’yo mga kosa?

Ang unang hakbang ng DAR sa ngayon ay ang katiyakan sa lupa. Mas may dahilan ang pamilya na pagbutihin ang sakahan kung malinaw ang kanilang karapatan dito.

Halimbawa sa Cordillera, noong Nobyembre 3, pinangu­nahan ni Estrella ang pamamahagi ng 7,400 titulo para sa 7,206 benepisyaryo sa rehiyon. Nitong Nobyembre 26 naman, namahagi siya ng titulo sa Dumaguete City para sa 4,857 benepisyaryo mula Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor. May kasama ring trade exhibit para sa produkto ng mga organisasyon ng magsasaka. Mismooooo!

Mahalaga ang titulo. Pero kinabukasan, kailangan pa ring bumili ng binhi at abono.

Diyan papasok ang kasunod na trabaho: puhunan, patubig, kagamitan, kaalaman at maayos na daan patungo sa pamilihan.

Kaya tama ang pananaw ni Estrella na dapat magpatuloy ang suporta matapos maibigay ang lupa. Ang sukatan ay kung nagagamit ba iyon para umani at magkaroon ng kabu­hayan. Kasama rin sa pag-alalay ang pagbawas sa pasaning pinansiyal.

Mga kos kong magsasaka, ayosssss ba si DARling Conrad? Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with