^

PSN Opinyon

Kindergarten hanggang Senior High School, saklaw na ng voucher program

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchhalian - Pilipino Star Ngayon

Isa nang ganap na batas Basic Education Voucher Assistance Act (Republic Act No. 12327) na isinulong ng inyong lingkod bilang isa sa mga co-sponsor at may akda.

Sa ilalim ng batas na ito, palalawakin ang tulong ng pama­halaan sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan sa lahat ng antas­ ng basic education, mula kindergarten hanggang senior­ high school. Ipapamahagi ang tulong na ito sa pamamagitan ng vouchers, kagaya nang ipinapatupad sa Senior High School Voucher Program.

Mahalaga ang batas na ito, hindi lamang dahil maaari nang maging mas abot-kaya para sa ating mga kababayan ang edu­kasyon mula sa mga pribadong paaralan. Matutu­gunan din nito ang mga hamong kinakaharap natin pagdating sa siksikan at kakulangan ng mga silid-aralan. Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), tinatayang 147,000 ang kulang na silid-aralan sa buong bansa.

Sa pagtugon natin ng hamong ito at sa pagkamit ng layu­nin nating makapaghatid ng dekalidad na edukasyon, kinikilala natin ang papel ng mga pribadong paaralan bilang ating katuwang. Sa ilalim ng batas na ito, mapapatatag natin ang parehong pakikipagtulungan at suporta natin sa mga pribadong paaralan sa bansa.

Maliban sa pagpapalawak ng saklaw ng voucher program­, nakasaad din sa batas ang pagsuporta sa mga mag-aaral na higit nangangailangan. Mas mataas ang halaga ng tulong­ pinansyal na matatanggap ng mga mag-aaral na nanganga­ilangan at iyong mga nagmula sa mga low-income house­holds, batay sa itatakda ng DepEd.

Itinakda rin ng batas kung paano bibigyang prayoridad ang pagpili sa mga benepisyaryo ng programa. Bibigyang-prayoridad ang mga mahihirap at low-income learners mula sa mga pampublikong paaralang tinukoy ng DepEd na may siksikan, gayundin ang mga mag-aaral mula sa mga lugar na walang malapit na pampublikong paaralan.

Tiniyak din nating meron tayong sapat na mga mekanismo upang maiwasan natin ang panlilinlang sa pamahalaan. Kung ating babalikan, hinarap natin ang mga isyu ng ghost students. Kaya naman titiyakin nating maiiwasan na natin ang ganitong mga insidente.

Aasahan nating agarang ilalabas ng Department of Education (DepEd) ang mga pamantayan para sa pagpapatupad ng batas na ito, lalo na’t umaasa tayong marami tayong matutulungang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with