^

PSN Opinyon

Nahuli sa droga may kawing-kawing palang kaso

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NANG dahil sa reklamo ng ilang residente ng Bacoor hinggil sa pinalulunggaan ng mga drug users at pushers­, nalam­bat ng mga kapulisan ang kilabot na mga miyembro ng Dura-Dura Gang, Laglag-Barya Gang, Salisi Gang, Ipit Gang, Dukot Schemes, Robbery/Snatching, Illegal Drugs at Gun-Running Operation na matagal ng pasakit sa ulo ng Phi­­lippine National Police (PNP) nag-o-operate sa CALA­BARZON at National Capital Region. Good Job mga Sir!

Kasi nga mga suki, maraming mga mananakay sa mga pampublikong sasakyan ang nabiktima ng mga ito. Ang masakit, hindi maipursige ang mga kaso dahil karamihan sa mga biktima ay hindi na nagsasampa ng kaso dahil nga sa wala ng mga oras at hindi rin tukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek. Kaya’t kung may mahuhuli man ay nakakalaya rin dahil kulang sa mga complainant na sumisipot sa mga himpilan ng mga kapulisan. Subalit ngayon, muk­hang kinarma na ang grupo ng mga kawatan dahil sa kasipa­gan at katapangan nitong hepe ng Bacoor Component City Police Station  sa pamumuno ni P/LtCol. Alexie A. Desamito. Hehehe!

Ayon kasi sa impormasyon ipinarating satin, nag-ugat ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ni P/LtCol. Desamito sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng pamumuno ni P/Cpt. Herminigildo M.Soriano Jr., sa ibinigay na impor­masyon ng confidential informant patungkol sa laganap na bentahan ng droga sa may Barangay Zapote 3, Bacoor City, Cavite. Walang kawala itong 9 na indibidwal nang isagawa ng operatiba dakong ala-1:00 ng madaling araw at nasakasamsam sa operasyon ng 10 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang P226,236 ang halaga. Ang matindi nito, bukod sa droga, 4 na improvised baril o sumpak na may 12-gauge na bala, 2 botelya ng Mang Tomas na ginagamit nila sa dura-dura modus, 5 android cellular phone at iba pang paraphernalia na ginagamit ng grupo sa kanilang communication.

Ayon kay P/LtCol Desamito, ang mga nahuli ay kinilala lamang nila sa mga Alias “Winwin” na residente ng Dasmariñas, Cavite; Alias “Glen”, “Paeng”, “Pelo”, “Berto”, ”Thor”, “Pinang”, “Labo”, at “Lucing” na mga residente ng Bacoor. Sabi ni Desamito, ang siyam ay may mga dati ng record sa iba’t ibang krimen kaya’t kakaharapin nila itong iba’t ibang mga kaso bukod pa riyan ang sa droga. Kaya’t mga suki, kung nais nyong tuluyan na itong hindi makalabas ng selda aba’y magtungo na kayo sa Bacoor City Component Police Station at sampahan nyo na ng mga kaso itong mga tirador na nalambat ng tropa ni P/LtCol. Alexie A. Desamito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with