Maraming biyaya hindi pinapansin

October 3, 2005 | 12:00am
AYON sa isang survey ng Dove Soap, 5% lang ng babaeng Pilipino ang sa tingin nila’y maganda sila. Ganunpaman, karamihan sa kanila’y kontento sa kanilang hitsura at pigura. At kung ano man sila, isinusulong nila.
Saad din ito sa marami pang kahalintulad na surveys. Halimbawa, ang tungkol sa pagiging masayahin ng Pilipino. Mahirap man sila, okey pa rin dahil may pinaglilibangang telebisyon, o pinagsasayahang barkada, o pinag-aabalahang pamilya.
Mabuting asal ang makontento sa sarili at maging masayahin. Pero may masama rin itong dulot. Sa isyu ng enerhiya, halimbawa, kontento na ang Pilipino sa mga dating gawi. Tumataas ang presyo ng angkat na diesel at gasolina. Pero tinitiis na lang, imbis na gumawa ng paraan – batay sa mga biyayang pinagkaloob ng tadhana at kalikasan.
Maaraw, halimbawa, sa Pilipinas, di tulad sa mga bansang Norte kung saan kailangan ng heater, mainit na tubig o makapal na damit sa winter. Sinusungitan natin ang labis na araw, pero magagamit natin ito sa solar energy para paandarin ang mga makina, ilaw at sasakyan. Hindi na kailangan umangkat ng fuels dahil libre ang araw.
Dahil sa init ng araw, umaakyat ang mainit na hangin at naglilikha ng ihip o wind. Malakas ang ihip sa mga lugar na tabing-dagat. Puwede itong gamiting enerhiya sa pamamagitan ng windmill. Ang windmill ay magagamit sa patubig, pailaw, panggiik ng mais o palay, panggawa ng kuryente, at marami pa. Mura lang dahil libre rin ang ihip ng hangin.
Dalawa pang biyaya sa atin ay niyog at tubo. Ang coconut oil ay magagawang pamalit sa diesel, at ang alkohol ng sugarcane ay pamalit sa gasolina. Aanihin lang, mapapatakbo na natin ang mga tren, barko, kotse, pabrika, malls, sinehan, at opisina. Dapat lang pag-aralan at puhunanan.
May mga bagay at sitwasyon na dapat tayong makontento na lang dahil wala na tayong magagawa. Mainam na maging masaya tayo sa mga kalagayan natin. Pero mas maraming magiging sanhi ng pagkakontento at kasiyahan kung gagamitin natin ang mga angking biyaya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest