ICC iginiit ang hurisdiksyon sa Pinas bago ang pagkalas

MANILA, Philippines — May hurisdiksyon ito sa mga krimen naganap bago kumalas ang Pilipinas mula sa Rome statute, ayon sa International Criminal Court (ICC).
Sa ulat ng ng programang State of the Nation nilinaw ni Fadi El Abdallah, tagapagsalita ng ICC na ang mga kaso ay naganap mula 2011 hanggang 2019, na taon naman kung saan nag-withdraw ang gobyerno ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
Sinabi pa ni Adballah na ang pagkalas ay hindi apektado ang obligasyon at hurisdiksyon ng ICC kundi apektado lamang ang hinaharap.
Samantalang sa usaping legal naman sa pagkakaaresto ni dating pangulong Duterte, bahala na aniya ang ICC judge na magdesisyon sa naturang isyu.
Si dating Pangulong Duterte ay dinala sa The Hague Penitentiary Institution noong Marso 11 at iniharap sa ICC court sa pamamagitan ng video link noong Marso 14 oras dito sa Plipinas.
- Latest