^

PSN Opinyon

Kotongerong traffic enforcer, hulog sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
DAHIL sa sumbong ng isang driver ng pampasaherong jeepney, hulog sa patibong ng BITAG at Traffic Management Group (TMG) ang Novaliches Traffic Enforcer na si Logronio.

Estilo raw nitong si Logronio ang ‘‘rumaket’’ sa mga pampasaherong jeep at bus, maging sa mga pribadong sasakyan gamit ang bogus na re-routing scheme.

Wala raw pinaliligtas si Logronio. Maging mga pobreng driver na nagmamadali dahil sa emergency ay hindi nakalulusot sa kanya.

Ayon sa mga impormasyong aming natanggap, parang leon sa kalsada si Logronio. Ugali nitong mambasag ng salamin at ilaw ng mga sasakyang hindi nagbibigay ng lagay sa kanya.

Mula sa P2,000 kotong, bumaba sa P500 ang hiningi ng ‘‘buwayang’’ si Logronio.

Hulog sa aming surveillance camera ang estilong ‘‘panggagatas’’ ni Logronio. Lipas na sa oras ng kanyang duty at sadyang binalikan lamang ang kanyang ‘‘delihensiya.’’ Kasama pa ni Logronio ang kanyang misis na nagsilbing ‘‘look-out’’ sa isinagawang transaksiyon.

At nang tanggapin ni Logronio ang marked-money, animo’y aping-api si misis na nagmamakaawa. Wala raw kinalaman ang kanyang mister sa abutang nangyari.

Sa tanggapan ng TMG kung saan nagdatingan ang iba pang mga naging biktima ni Logronio, animo’y mabait na tupa itong humingi ng tawad sa kanyang mga ‘‘inabuso’’ at ‘‘ginatasang’’ mga driver.

‘‘Kung ako may nagkasala, ako’y patawarin n’yo…’’
ang tanging nasambit ng dating nagtitigas-tigasang si Logronio.
* * *
Simula sa Lunes, June 27, 2005, binubuksan ng IBC 13 ang kanilang pintuan para sa inyong mga sumbong at hinaing, maging mga problemang may kinalaman sa komunidad.
* * *
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, ‘‘BITAG’’.

AYON

BITAG

ESTILO

HULOG

LOGRONIO

NOVALICHES TRAFFIC ENFORCER

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with