^

PSN Opinyon

Pinaalis sa lupa dahil hindi nakabayad ng renta

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Kardo ay nagmamay-ari ng tituladong lupa na may tanim na mga niyog. Dito ay nakatira ang 13 katao. Oral ang kasunduan ng paupa kung saan buwanan ang pagbabayad nila ng renta kay Kardo, maliban kay Mando. Pinayagan lamang si Mando na gamitin ang 62 na puno ng niyog sa halagang P186.00 para sa paggawa ng tuba. At para mapadali ang pag-ani niya ng niyog, pinayagan na rin siya ni Kardo na magtayo ng bahay dito.

Samantala, dumating ang panahong napagpasiyahan ni Kardo na gawing isang commercial center ang kanyang lupa. Kaya, hiniling niya sa lahat na nakatira rito na lisanin na ang lugar dahil hindi naman sila nakababayad ng buwanang renta. Tumanggi ang lahat pati na si Mando. Iginiit nilang ang kanilang pamumusisyon ay batay sa Urban Land Reform Act o PD 1517, kung saan nag-aangkin sila ng right of first refusal to purchase. Bilang patunay, nagsampa sila ng petisyon sa National Housing Authority upang ideklara nito ang nasabing lupa bilang urban land reform area, kahit na hindi pa ito nadedeklara. May karapatan ba si Kardo na paalisin ang mga nangungupahan sa kanyang lupa kabilang na si Mando?

MAY karapatan si Kardo. Ang nasabing lupa ay hindi pa naidedeklarang urban land reform zone (ULRZ). Kaya, nang hilingin ni Kardo ang mga nakatira rito na lisanin ang lugar dahil hindi sa pagbabayad ng renta, ang oral na kasunduan sa paupa ay natapos na rin.

Wala ring kontrata ng paupa sa pagitan nila ni Mando. Ang pag-ani niya ng niyog upang gawing tuba ay isang usuprukto. Dito ay binibigyan si Mando ng karapatang anihin ang mga prutas at gamitin ang lupa ni Kardo kapalit ng pag-aalaga niya sa lupa.

Ang pagpayag ni Kardo sa pagpapatayo ng bahay ni Raymundo ay isa lamang paraan upang mapadali nito ang paggawa ng tuba. Isa itong easement na ipinagkakaloob ng Kodigo Sibil para sa kaginhawahan ng isang tao (Alcantara et.al. vs. Reta, Jr. G.R. 136996 December 14, 2001).

BILANG

DITO

JR. G

KARDO

KAYA

KODIGO SIBIL

LUPA

MANDO

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

URBAN LAND REFORM ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with