Empleyado tinerminate nang hindi makatwiran
February 13, 2003 | 12:00am
SI Eric ay empleyado sa isang food company. Sa loob ng 18 taong serbisyo, nahirang siya bilang Field Sales Supervisor. Malawak ang kanyang pangangasiwa. Kabilang sa tungkulin niya ang magmonitor sa mga kuwenta ng koleksyon, sa perang ipinapadala ng mga ahente, at sa imbentaryo ng mga paninda.
Nang mag-sick leave siya ng 14 na araw, nagsagawa ng audit sa kanyang departamento. Batay sa audit, may kakulangan sa kwenta ng koleksyon at may kakapusan sa imbentaryo na nagkakahalaga sa P2,500,000. Ang kakulangan ay nangyari sa panahon na si Eric ay hindi nag-report sa trabaho. Nagsadya si Eric sa opisina upang sagutin ang mga tanong ng abogado ng kompanya, ng kanilang auditor at ng isang miyembro na nagsagawa ng audit. Dito ay lumagda siya sa isang apidabit. Pagkatapos ng dalawang araw, inilagay siya sa isang preventive suspension dahil sa paglabag sa mga alituntunin ng kompanya. Makalipas ang isang linggo, tinapos na ang serbisyo ni Eric. Hindi binigyan si Eric ng abiso ng kanyang kaso at ng oportunidad na maibigay ang kanyang panig at depensa. Dinismis siya batay sa sinumpaang salaysay ng kanilang ahente at bodegero na nagdawit sa kanya sa anomalya at sa mga dokumento ng audit report na hindi ipinakita sa kanya.
Nang kuwestiyunin ni Eric ang legalidad ng pagdismis sa kanya at bago pa man ito mapagkasunduan, ipinalahathala ng kompanya sa diyaryo ang isang pahayag na hindi na siya konektado rito. Nagbigay ito ng kahihiyan kay Eric.
Ayon sa desisyon ng arbitrator, ilegal ang pagdismis kay Eric, kailangang siyang ibalik sa trabaho at manatili ang seniority rights, full backwages pati na ang mga benepisyo na dapat ay natanggap niya simula nang siya ay nasuspendido hanggang sa petsa na siya ay maibalik sa trabaho. Kinumpirma ito ng CA subalit sa halip na ibalik siya sa trabaho, iniutos nito na bayaran si Eric ng separation pay katumbas ng isang buwanang suweldo kada taon ng kanyang serbisyo. Ayon din sa CA, kailangang bayaran si Eric ng backwages mula sa petsa ng kanyang suspensyon hanggang sa oras na siya ay ilegal na dinismis, sa madaling salita, sa loob lamang ng walong araw. Tama ba ang CA?
MALI. Ayon sa artikulo 279 ng Labor Code, kapag ang terminasyon ng trabaho ay hindi makatwiran, may karapatan ang empleyado sa full backwages, kasama ang panustos at lahat ng benepisyo o ang katumbas nito sa pera simula nang ito ay ipagkait sa kanya hanggang siya ay maibalik sa trabaho.
Sang-ayon din sa artikulo 279 ng Labor Code at sa konklusyon ng CA, kung imposible nang ibalik si Eric sa trabaho, may karapatan siya sa backwages at sa lahat ng benepisyo simula sa unang araw ng kanyang suspensyon, Mayo 13, 1996, hanggang sa petsa ng pinal na desisyon. Dapat bayaran si Eric sa maling pamamaraan ng pagtanggal sa kanya. Hindi makatwiran ang pagtanggal dahil hindi napatunayan ng kompanya na may partisipasyon si Eric sa anomalya. Nangyari ang kakulangan nang siya ay naka-leave. Nagkulang din ang kompanya na bigyan siya ng abiso at oportunidad para ihayag ang kanyang panig at depensa. Hindi rin naipakita ang mga dokumento na pinagbatayan ng kanyang kaso. Kasama na rito ang pagpapalathala ng kompanya sa publiko na nagbigay ng kahihiyan kay Eric (Buhain vs. Court of Appeals and Swift Food Inc. G.R. 14379, July 2, 2002).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended