^

PSN Opinyon

Editoryal - Maging seryoso sana ang MILF

-
Maraming naghahangad na matigil na ang kaguluhan sa Mindanao. Marami nang nagsasawa sa labanan ng mga rebeldeng Muslim at tropa ng pamahalaan. Itigil na ang patayan at magkapit-bisig na para makamit ang kaunlaran sa tinatawag na lupang pangako. Sa pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) nagkakaroon ng liwanag na magsisimula na ang katahimikan sa Mindanao. Sa pagkakaroon ng kasunduan mababawasan na rin marahil ang pagdanak ng dugo. Ito ay kung magiging seryoso ang MILF sa pakikitungo sa pamahalaan.

Ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MILF ay nilagdaan sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Martes. Nilagdaan ito sa harap ni President Gloria Macapagal-Arroyo at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad. Bumisita sa Malaysia si GMA.

Sa kasunduan, isang tanggapan ang bubuuin upang direktang makialam ang MILF sa implementasyon ng mga government funded projects sa predominantly Muslim areas. Hindi malinaw kung ang mga nasabing proyekto ay lubusang ipagkakatiwala sa rebeldeng grupo. At hindi rin malinaw kung magkakaroon ito ng conflict sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na ang governor ay dating MNLF leader.

Ang hakbang ng Arroyo administration ay mariin namang binatikos ni dating President Joseph Estrada at iba pang kritiko. Hindi anila tama ang ginawang kasunduan sa pagitan ng mga rebelde. Noong panahon ni Estrada, kinubkob ng government troops ang mga kuta ng MILF. Maraming sundalo ang namatay sa labanan. Ang mga sibilyang nadamay ay hindi malaman kung saan susuling. Naging matigas si Estrada sa pakikitungo sa MILF. Kamay na bakal ang kailangan. Gayunman, ang pagiging matigas ay hindi nagbunga para magkaroon ng kapayapaan bagkus ay lumala pa.

Magandang hakbang ang nangyari sa pagitan ng pamahalaan at MILF. At harinawang ang MILF ay maging seryoso sa kasunduan at hindi umapaw sa kanilang utak ang pinag-usapan. Makontrol sana ng MILF ang kanilang mga kasamahan sa paggawa ng kabulastugan. Hindi na lingid na may mga miyembro ng MILF na sangkot sa Pentagon Gang na ang trabaho ay mangidnap. Kung hindi makokontrol ang kanilang kapanalig, balewala ang kasunduan. Ang kaseryosohan ng MILF ang susi sa pagkakamit ng lubusang kapayapaan. Bigyan na sana ng pagkakataong sumikat ang araw sa Mindanao.

AUTONOMOUS REGION

KASUNDUAN

KUALA LUMPUR

MALAYSIAN PRIME MINISTER MAHATHIR MOHAMMAD

MARAMING

MILF

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with