^

PSN Opinyon

May mga 'baliw na adviser si Erap

-
Siguradong ang mga natitirang diehard cronies at high-tech na advisers ni Erap ang nagbigay ng payo rito upang sambitin ang katagang "Ako pa rin ang pangulo ng bansa."

Hindi masasabi ni Erap ang ganitong nakahihiyang pahayag sa buong bansa partikular sa mga nakikinig na international community dahil sa magmimistulang wala na siya sa sariling bait.

Sabi nga ni Makati Rep. Joker Arroyo, nasa fantasy island o Disneyland si Erap kaya nasabi niya ang katagang iyon. Baka nga, kasi nasa PMP meeting si Erap kasama ang mga nagpapantasya at nagbabakasakaling manalo bilang senators sa darating na May elections.

Alam naman ng masa kung sinu-sino ang mga "baliw" na advisers at diehard cronies ang nasa likod ni Erap ngayon. Siguradong may susunod pa ritong nakahihiyang pahayag kapag hindi ninyo nilubayan ang napatalsik na Presidente. Malaking period na lang ang nakatatak sa kabanata ng buhay ni Asiong Salonga na naging kontrobersyal na Presidente.

Lumalabas na katawa-tawa tuloy ang naging pahayag ni Erap, wala na ba kayong ibang ilusyon sa buhay kundi mangarap ng patay.

Talagang mahirap tanggapin ang liwanag ng katotohanan ng mga taong namihasa sa hibo ng sanlibutan.

Huwag na ninyong isama pa sa kabaliwan si Joseph Estrada aka Jose Velarde dahil inilulubog lang ninyo sa kahihiyan ang dating matalik na kaibigan ni Chavit. Baka mag-boomerang lang sa inyo ang mga ibinigay ninyong payo. "Weder, weder" lang ‘yan.

Dapat sa mga diehard cronies at magagaling na advisers ni Erap ay magnegosyo na lang ng prutas na balimbing at mag-import ng hunyango baka sakaling makatulong pa sa Arroyo administration.
* * *
Ipinaaabot ko ang pasasalamat kina Dr. Mario De Villa at Dr. Concepcion Montoya ng Medical Center Manila (MCM) sa matagumpay na operasyon sa akin noong Enero 23.

Pinasasalamatan ko rin ang mga nurses sa Room 824 partikular kay Dr. Jacinto na matiyagang nagpalit ng aking benda, etc.

Ang Dakilang Diyos na si Jesus na ang bahalang magbalik sa inyo nang maraming pagpapala. Mabuhay kayo!

ANG DAKILANG DIYOS

ASIONG SALONGA

DR. CONCEPCION MONTOYA

DR. JACINTO

DR. MARIO DE VILLA

ERAP

JOKER ARROYO

JOSE VELARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with