^

PSN Opinyon

Pati alaala ni Ninoy inaagaw na nila

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nakalalango ang kapangyarihan.

Kinutya ni VP Sara Duterte ang AFP kung bakit hindi pinigilan ang PNP sa pag-aresto sa kanyang amang ex-President Rody Duterte.

Bakit naman aawatin ng AFP ang PNP sa pag-tugon sa Interpol arrest warrant ng International Criminal Court? Ayon mismo kay Defense Sec. Gibo Teodoro inatasan ang AFP na umalalay sa PNP sa pagdakip.

Sa pro-Duterte rally sa The Hague, ipinakiwari ni Sara kung bakit dapat mag-resign si President Bongbong Marcos: “Dahil hindi mo pinapakita sa taumbayan na maayos ka mag-isip at kaya mo mamuno.”

Nu’n lang Oct. 18 iminuwestra ni Sara sa Facebook livestream kung paano niya pupugutan si BBM. Nanlilisik ang mata, nagkunwari siyang may hawak na ulo at hinihiwa ang leeg. Tapos huhukayin niya raw ang labi ng ama ni BBM na Marcos Sr. at ihahagis ito sa dagat.

Inulit niya ito nu’ng Nov. 23 sa pambansang livestream. Binantaan niyang papatayin si BBM, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez. “No joke, no joke,” idiniin niya ang pagkaseryoso.

Sando Marcos official Facebook photo, Nob. 21, 2021

Tungkulin aniya ng VP na manatili sa The Hague para tulungan ang isang Pilipino (Tatay Digong) na makalaya. Pero nu’ng July 24 habang hinahagupit ng supertyphoon ang milyun-milyong Pilipino, lumipad siya at pamilya sa Germany para sa Taylor Swift concert.

Ani Sara, kung magpumilit si Tatay Digong umuwi, baka barilin siya sa airport tarmac tulad ni Ninoy Aquino.

Umangal ang pamilyang Aquino sa paghahambing. Pinaalala na umuwi si Aquino nung 1983 para pamunuan ang pakikibaka ng Pilipino para sa demokrasya kontra diktadurya ni Marcos Sr.

“Walang record ng mass murders si Aquino,” banat ng BBM spokeswoman. “Itinulad ni Duterte ang sarili kay Hitler.” Pero tatlong taon nang minamaliit ni BBM ang EDSA Revolt holiday nung 2023, 2024, 2025.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->