General manager ng MRT-3, sibak puwesto
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon nitong Martes na sinibak sa puwesto si Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Oscar Bongon.
Kasunod ito ng pagpalya ng isang escalator ng MRT-3 noong nakaraang linggo, na nagresulta sa pagkasugat ng may isang dosenang pasahero.
Ayon kay Dizon, ikinagalit niya nang malamang hindi kaagad ipinagawa ng pamunuan ng MRT-3 ang nasirang escalator dahil hindi aniya ito katanggap-tanggap.
Ani Dizon, mabagal masyadong magdesisyon ang management dahil nasira ang escalator ng Sabado ngunit Martes pa ito nang ipagawa.
Kung hindi pa aniya siya tumawag noong Martes ay hindi pa ipapagawa ang pumalyang escalator.
Nabatid na inirekomenda na rin ni Dizon na mapalitan si Bongon at naghihintay na lamang ng opisyal na appointment papers mula sa Malakanyang.
- Latest