^

Metro

DTI nakatutok sa mga illegal na paputok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinaigting pa ng Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) ang pagmomonitor sa mga  hindi sertipikadong paputok ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay FTEB Director Gino Mallari, nagsasagawa sila ng monitoring  bilang tugon na rin sa mga apela mula  legal firecracker manufactu­rers para sa mas mahigpit na pagpapatupad laban sa pagbebenta ng mga hindi sertipikadong produkto, na anila ay nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Maaari rin silang mag-isyu ng  cease and desist orders sa mga  manufacturers kasabay ng ipinatutupad na batas ng PNP.

Tiniyak niya ang pa­tuloy na koordinasyon sa PNP, partikular sa pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon kung saan maaaring matagpuan ang mga hindi sertipikadong produkto.

Nakikipagtulungan din ang DTI-FTEB sa mga local government units para ipatupad ang mga ordinansa at magtalaga ng mga lugar para sa display at sale certified firecrackers.

Una nang hinimok ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque ang publiko na bumili lamang ng mga certified fireworks upang matiyak ang ligtas at walang pag-aalala na pagdiriwang.

Makikita rin sa website ng DTI ang inilabas na listahan ng sertipikadong paputok ng Bureau of Philippine Stan­dards.

DTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->