^

Metro

2 Vietnamese arestado sa baril, droga sa bar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 Vietnamese arestado sa baril, droga sa bar
Sa imbestigasyon, habang nagsasagawa ng monitoring ang mga operatiba ng Station Intelligence Section sa mga KTV bar sa Pasay hinggil sa report na may mga protective agent na nagdadala ng kanilang mga baril sa loob ng mga bar at club ay nagkataong isang alyas “Truong”, 26-anyos, ang nagsumbong sa kanila sa pagbabanta umano ng dalawang kababayan habang nagpapakita ng baril.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Vietnamese national nang magpasok ng baril na walang kaukulang dokumento sa isang bar sa Pasay City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ng mga suspek na sina alyas “Van”, 26 anyos , at alyas Hoang, 23.

Sa ulat ng Pasay City Police, alas-3:00 ng mada­ling araw ng Hulyo 9, 2024 nang arestuhin ang dalawa sa isang bar sa Roxas Boulevard, sa Barangay 76, Pasay.

Sa imbestigasyon, habang nagsasagawa ng monitoring ang mga operatiba ng Station Intelligence Section sa mga KTV bar sa Pasay hinggil sa report na may mga protective agent na nagdadala ng kanilang mga baril sa loob ng mga bar at club ay nagkataong isang alyas “Truong”, 26-anyos, ang nagsumbong sa kanila sa pagbabanta umano ng dalawang kababayan habang nagpapakita ng baril.

Rumesponde ang mga tauhan ng SIS sa nasabing bar at sinita ang suspek na si Van na nakitaan ng dalang baril. Kinumpiska sa kanya ang Colt Combat Commander caliber. 45 pistol na may serial number na walang License to own and possess firearms  (LTOPF), at permit to carry (PTC) .

Ang kasama ni Van na si Hoang ay nakuhanan naman ng isang maliit na sachet ng shabu na may 1.5 gramo ng shabu na katumbas ng P10,200.00 halaga.

Ipinagharap ng reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) , Article 283 ng Revised Penal Code (Light Threat) si Van habang si Hoang ay paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with