^

Metro

PNP sasampahan ng kaso mga raliyistang nagsunog ng effigy sa SONA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP sasampahan ng kaso mga raliyistang nagsunog ng effigy sa SONA
Leaders of various protester groups destroy the effigy entitled “Umbagang Pilipinas,” a wordplay on the Bagong Pilipinas campaign of the administration, during the People’s SONA along Commonwealth Avenue in Quezon City while the third State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. is ongoing inside the Batasang Pambansa on July 22, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinahahanda na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga kasong isasampa laban sa mga aktibistang nagsunog ng  mga effigy habang  isinasagawa ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kahapon.

Ayon kay Marbil, naglabas na sila ng paalala na mahigpit ang pagbabawal sa pagsusunog ng effigy subalit sinuway pa rin to ng mga aktibista na miyembro ng Bayan Southern Tagalog.

Nakasaad aniya sa batas na ipinagbabawal ang pagsusunog sa kalsada sa ilalim ng Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act.

Sinunog ng mga grupo ang effigy nina Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte sa Commonwealth Avenue.

“Kung hindi namin kayo mahuli we will file cases sa inyo. Wala naman pong exception ang batas,” Marbil.

Tinitignan din ng kapulisan ang pagsasampa ng kasong paglabag sa environmental laws laban sa mga nagprotesta.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakuhanan nila ng video ang pagsusunog ng mga effigy kaya matutukoy ang mga miyembro nito at magiging ebidensiya sa kanilang  isasampang kaso.

Ikinalungkot lang ni Marbil na ang mga pulis ang nakakasuhan at hindi ang mga demonstrador.

Nasa 23,000 pulis ang ikinalat sa SONA kasabay ng pag-ulan at pagra-rally ng mga cause oriented groups.

vuukle comment

RALLY

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with