^

Metro

72-anyos nanay, mistulang ‘gulay’ sa gulpi ng anak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
72-anyos nanay, mistulang �gulay� sa gulpi ng anak
Nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Erlinda Bravo habang nakapiit na ang suspek si Joseph Bravo, 33; kapwa ng 160 Lagkitan Compound, Brgy. Sauyo, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang binata na inireklamo ng frustrated parricide matapos na bugbugin ang kanyang 72-anyos na ina na nagmistulang “gulay”, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sauyo, Quezon City.

Nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Erlinda Bravo habang nakapiit na ang suspek si Joseph Bravo, 33; kapwa ng 160 Lagkitan Compound, Brgy. Sauyo, Quezon City.

Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police Station 3, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa harap ng bahay ng pamilya-Bravo.

Bago ito, nagtungo sa barangay hall ng Sauyo si Erlinda, para asika­suhin ang kanyang senior citizens documents. Gayunman, pag-uwi nito sa bahay, sinigawan na siya ni Joseph at sinabihan ng “P....mo san ka nagpunta?

Sa kabila nito, hindi na sumagot ang matandang ina sa bastos na anak. Dahil dito, agad siyang binugbog ni Joseph kasabay ng pagsasabi ng ‘P.....mo! Papatayin na kita ngayon dito!!

Dito na nawalan ng malay ang matanda hanggang sa itakbo siya ng dalawa pa niyang anak na babae sa Quezon City General Hospital at humingi rin ng tulong sa barangay na nagresulta sa pagkakadakip ni Joseph.

Inaalam na ng pulisya kung nasa impluwensiya ng illegal drugs o alak ang suspek kaya nagawang bugbugin ang senior citizen na ina.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with