^

Metro

Kagawad naglaro ng baril, itinutok sa bibig, utas!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kagawad naglaro ng baril, itinutok sa bibig, utas!
Kinilala ang biktima na si John Bonne Noel, nasa hustong gulang at incumbent barangay kagawad ng nasabing lugar.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

Nakipiyesta sa bahay ng vice mayor

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay kagawad makaraang pumutok ang nilaro nitong baril na itinutok pa mismo sa kanyang bibig sa harap ng mga kainuman sa dinaluhang piyesta sa bahay ng kanilang vice mayor, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tambo Kulit, Indang, Cavite.

Kinilala ang biktima na si John Bonne Noel, nasa hustong gulang at incumbent barangay kagawad ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Indang Police, alas-7:35 ng gabi ay nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nito sa dinaluhang fiesta

ng barangay. At dahil siguro sa marami na siyang nainom, inilabas nito ang kanyang cal. 45 upang ipakita sa mga kainuman at inalis pa nito ang magazine.

Itinutok ito sa kaniyang bibig at kinalabit, sa unang kalabit ay hindi ito pumutok subalit nang muli nitong kalabitin ang gatilyo ay dito na ito pumutok at sumambulat ang bibig nito.

Nagpulasan sa takot ang mga kainuman ng biktima, kung saan agad naman naitakbo sa Poblete Hospital ang biktima subalit hindi na naisalba pa ng mga sumuring doktor.

vuukle comment

KAGAWAD

POLICE

UTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with