^

Metro

Architect todas, 2 pa sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Architect todas, 2 pa sugatan
Dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si  Architect “Adrian” ng Bacoor, Cavite habang isinugod sa Ospital ng Maynila ang dalawang trabahador nito na ­kapwa nagtamo ng head injury.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 44-anyos na Architect habang nagtamo ng pinsala ang dalawa nitong trabahador matapos gumuho ang konkretong pader ng itinatayong bahay sa Makati City, Biyernes ng hapon.

Dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si  Architect “Adrian” ng Bacoor, Cavite habang isinugod sa Ospital ng Maynila ang dalawang trabahador nito na ­kapwa nagtamo ng head injury.

Nabatid sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director PBrig. Gen. Mark Pes­pes dakong alas-5:46 nga hapon nitong Biyernes sa Colmena at Trabajo Streets, Brgy. Olympia, Makati.

Nakaupo ang biktimang si Arch. Adrian  sa monobloc chair malapit sa firewall ng under-construction house nang tumama ang  malakas na hangin at biglang bumagsak ang pader na tumama sa ulo ng biktima.

Naghuhukay naman noon ang dalawang  trabahador nito at nabagsakan naman ng mga debris.

Nabatid na ang itatayong bahay ay 2-storey house na kapalit ng ginibang bahay na noong 1990 pa itinayo.

Sinabi ng mga opisyal ng barangay sa lugar na nakakuha ang may-ari ng mga kinakailangang dokumento para gibain ang bahay at pinahin­tulutan na magtayo ng isa pa ngunit napansin ng Engineering Office ng Makati City Hall ang kawalan ng mga hakbang sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa, kabilang ang pagsusuot ng safety helmet na maaaring maging batayan para managot ang kontratista.

Iniutos na ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang pansamantalang pagpapahinto sa pagtatayo ng dalawang palapag na bahay hanggang sa matapos ang imbestigasyon sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with