^

Metro

Kampanya vs wangwang, blinkers pinaigting ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang publiko na gamitin ang “Aksyon on the Spot” hotline 09292920865 para ipagbigay-alam ang mga sasakyan na gumagamit ng sirena at blinkers sa mga lansangan sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ang pahayag ay ginawa ni Mendoza bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagbawal ang paggamit ng mga motorista sa wangwang at blinkers.

Ayon kay Mendoza, bukod sa government vehicles, ilegal at ipinagbabawal din ang paggamit ng wangwang at blinkers sa mga pribadong sasakyan.

“Subalit lalo pa po natin itong pinamadali nang maglabas ng kautusan ang ating Pangulong Bongbong Marcos laban sa iligal na paggamit ng sirens and blinkers para magkaroon ng reliable na platform ang ating mga kababayan sa kanilang mga reklamo laban sa mga sumusuway sa kautusan ng ating Pangulo,” dagdag  ni Mendoza.

Nakasaad sa naturang kautusan na may katapat na kaparusahan ang mga hindi otorisadong gumamit ng wangwang at blinkers.

Tanging ang mga taga-AFP, NBI, at PNP, at fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles ang pinapayagan ng batas na gumamit ng mga ito.

Dagdag pa ni Mendoza, maaari ring magamit ang Aksyon on the Spot hotline sa pagrereport sa mga   online scammers na nagpapanggap na LTO at nagpapadala ng mga fake traffic violations.

 

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with