Multi-purpose building ng seniors sa Malabon matatapos sa Hunyo – DPWH
MANILA, Philippines — Posibleng makumpleto at mabuksan sa susunod na buwan ang P19.39-million multi -purpose building na tutugon sa pangangailangan ng mga senior citizen ng Barangay Tugatog, Malabon City.
Ito naman ang binigyan diin ni Public Works and Highways National Capital Region Director Loreta Malaluan, sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang DPWH Malabon-Navotas District Engineering Office (DEO) ay nakapagsagawa ng 72.34 % sa konstruksyon ng Tugatog Senior Citizens Multipurpose Building Project.
Sinabi ni DPWH Malabon-Navotas District Engineer Barrister J. Reyes na papalitan ng proyekto ang sira-sirang 2-storey seniors building sa lugar.
Kapag natapos na, ang bagong 3-storey senior citizens facility na may floor area na 107.25 square meters ay makakayanan na ang iba’t ibang pangangailangan ng mga senior citizen sa lugar, dahil ito ay magsisilbing venue para sa health screening, wellness programs, recreational activities, mga workshop na pang-edukasyon, mga social club, at pag-access sa mga programa ng tulong ng gobyerno.
Ang gusali ay magkakaroon person with disability(PWD)-friendly na comfort room, grab bar, mas malawak na pinto, at tamang signage para isulong ang inclusivity at ibigay ang iba’t ibang pangangailangan ng mga miyembro nito, pati na rin ang isang awtomatikong fire sprinkler system, at fire alarm system upang matiyak kaligtasan sa loob ng pasilidad.
- Latest