^

Metro

Retiradong pulis na inireklamo ng estafa, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulungan ang isang retiradong pulis na nambibiktima ng mga dating pulis na nagnanais na malinis ang kanilang pangalan upang makakuha ng benepisyo sa Quezon City.

Sa operasyong isinagawa ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group at Criminal Investigation and Detection Group, naaresto si Retired Executive Master Sgt. Romeo Palasique sa isang fastfood sa Brgy. Bagong Lipunan dakong ala-1:40 ng hapon nitong Miyerkules.

Nag-ugat ang ope­rasyon ng mga ope­ratiba sa reklamong estafa ng isang dating pulis.

Ayon sa complai­nant, pinangakuan siya ni Palasique na aayusin ang kanyang “drop from roll status” sa PNP upang makakuha ng benepisyo at makapagretiro ng maayos.

Nagbigay ang complainant ng P50,000 subalit nagduda na siya nang muling humingi ng  P25,000 si Palasique.

Nakaramdam ang biktima na niloloko at pinaiikot lamang siya ni Palasique kaya agad siyang nagpasaklolo sa IMEG.

Dinakma ang suspek nang magka-abutan ng P25,00 marked money.

Nahaharap sa kasong estafa at paglabag sa Republic Act 9485, o Anti-Red Tape Act ang suspek sa Department of Justice.

Apela naman ng IMEG sa publiko na agad na magtungo sa kanilang tanggapan kung may mga pulis o dating pulis na nang-aabuso.

Kasalukuyang nasa IMEG Custodial Facility sa Camp Crame.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with