^

Metro

Deniece Cornejo pwede nang dalawin sa correctional

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Deniece Cornejo pwede nang dalawin sa correctional
Deniece Cornejo.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Maaari nang tumanggap ng bisita si Deniece Cornejo  sa  Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City na nahatulang makulong bunsod ng kasong ­serious illegal detention for ransom na isinampa ng actor/TV host na si Vhong Navarro.

Kasalukuyan pang nasa kustodiya ng CIW-Reception and Diagnostic Center (RDC) hanggang sa matapos niya ang 60 araw.

Noong Mayo 2, 2024 nang ipasok sa CIW si Cornejo kasunod ng promulgasyon ng kaso ng  nasabing araw  ng Taguig Regional Trial Court Branch 153, kung saan siya ay nahatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo at kanselahin ang inilagak na piyansa.

Bukod kay Cornjeo, nahatulan din guilty beyond reasonable doubt sa nasabing kaso at pinatawan din ng reclusion perpetua ang mga kapwa akusadong sina  Cedric Lee, Simeon Palma Raz Jr. at Ferdinand Guerrero.

Nabatid na nitong Mayo 16 ang ika-15 araw ni Cornejo sa RDC, na simula upang pahintulutan siyang mabisita.

CIW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with