^

Metro

55 wanted nadakip ng CIDG sa loob ng 24 oras

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 55 wanted na indibidwal sa buong bansa sa loob lamang ng 24-oras na police operation.

Ayon kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco, ang isang araw na manhunt operation ay bahagi ng flagship Project Oplan “Pagtugis.”

Alinsunod ito sa direktiba ni Chief PNP Gen Rommel Francisco Marbil, na i-account ang lahat ng kriminal na may outstanding warrant of arrest.

Kabilang sa mga naaresto ang isang most wanted person sa national level, lima sa regional level, apat sa provincial level, apat sa municipal level; at 41 pang indibidwal na klasipikado bilang “other wanted persons” (OWP).

Ang mga arestadong indibidwal ay nasa kustodiya ng CIDG unit para sa dokumentasyon at disposisyon.

“Ang mga operasyong ito ay patunay sa determinasyon at dedikasyon ng CIDG na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad.  Ito ay babala sa mga pilit na nagtatago at lumalabag sa batas, na wala ng mapagkukublihang lugar para sa inyo. Gayundin aming hinihikayat ang publiko na maging mulat at magbahagi ng anumang impormasyon na makatutulong sa pagtugis sa mga kriminal,” ani Francisco.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with